Derek Ramsay, pinipigalan ng showbiz na ligawan si Jennylyn Mercado

Derek Ramsay, pinipigalan ng showbiz na ligawan si Jennylyn Mercado

Derek-RamsayIPINAGTAPAT NI Derek Ramsay nang bisitahin namin sa taping ng Extreme Series sa Taytay, Rizal last Wednesday na nakita niya kay Jennylyn Mercado ang lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang babae.

Tanong tuloy kay Derek kung niligawan ba niya si Jen nang magsama sila sa pelikula? Pinadalhan ba niya ito ng flowers atbp.?

“No, we just friend. I give her gift last Christmas. Ano bang iniregalo ko sa kanya? I give her a play station. Mahilig kasi siya sa games.

“Kung ligawan ko siya, Jen is attractive, she is smart, she is nice, she is responsible. I love the way she loved her family, but, malaking factor doon ay ‘yung showbiz factor.

“Jen is a wonderful girl. She had all the qualities that I want. Someone that I want to be with, but I made a rule na ayaw ko nang taga-showbiz. We ended as a friend. Sana makakita ako ng babae na non-showbiz na tulad ng nakita kong qualitiy kay Jen someday,” pahayag ni Derek.

Inamin din ni Derek na may special someone na siya. Isang model at hindi raw ito isang flight attendant. May anak na ‘yung girl na isang eight years old na babae.

“Tulad ng sinabi ko noon na kapag nagmahal ako ng babae, walang problema sa akin ang nakaraan mo. Importante ay mahal kita at tanggap ka ng pamilya ko,” say ni Derek.

Sa darating na Valentine’s Day, ide-date niya ang kanyang dalawang sister na nag-celebrate ng kaarawan last Feb. 3 and Feb. 11. Isasama rin niya ang kanyang mommy at siyempre ang kanyang special someone.

Kung may plano na rin ba silang lumagay sa tahimik ng non-showbiz girlfriend? As of now raw ay wala pa sa plano nila na humarap sa dambana. Pero kung siya ang masusunod, sana nga raw ay magkaroon na siya ng babaeng makakasama habambuhay.

Sa ngayon, nakatutok si Derek sa kanyang delikadong TV show na Extreme Series na napapanood Monday to Friday, 10:15 pm to 10:45 pm sa TV 5

Tutol na tutol ang kanyang ina sa kanyang TV show dahil makailang beses na kasi siyang nadisgrasya. Hindi nga naman biro ang mga pinaggagawa ni Derek sa mga challenges sa Extreme Series. Tulad ng papaliparin sa harap niya ang isang motorcycle habang siya ay nakatayo sa ibabaw ng isang sasakyan. Any moment kasi, kapag nagkamali ang nagpapatakbo ng motorbike ay siguradong sapol ang mukha at katawan ni Derek.

Sabi ni Derek, lahat daw ng mga delikadong challenges ay makakaya niyang gawin huwag lang samahan ng daga. Lahat na raw ng uri ng mababagsik na hayop ay kaya niyang harapin huwag lang daw ng mga daga.

“Totoo, takot at nandidiri ako sa daga. Noon may alaga akong ahas ay bumibili ako ng isang kahon na puno ng daga para ipakain sa ahas. Kapag binuksan ko ‘yung kahon, ihahagis ko na ito pati kahon sa alagang kong ahas,” pagtatapat pa ni Derek.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo