Derek Ramsay, pineperahan lang ng nagdemandang ‘asawa’?

ADVERTISING

Derek Ramsay, pineperahan lang ng nagdemandang ‘asawa’?

Derek-RamsayNGAYONG ARAW na pala ang hearing uli sa prosecutor’s office sa Makati ng kasong isinampa nitong Mary Christine Jolly laban kay Derek Ramsay.

Nasa Toronto pa yata ang aktor, pero babalik daw siya agad para daluhan ang hearing na ‘yan.

Ang sabi kasi ng abOgado niyang si Atty. Joji Alonso ay kailangang daluhan na ito ni Derek para sumpaan ang counter-affidavit na isusumite nila.

Ito bale ang sagot nila sa mga pahayag nu’ng babaeng nagpakilalang asawa niya na sa totoo lang, nakasisira sa aktor.

ADVERTISING

Sabi ni Atty. Joji, humanda raw ang babaeng ito dahil matindi ang sagot nila at ang ibubunyag nila laban sa kanya.

Actually, may ideya na kami dahil nai-share na rin ito minsan sa amin ng kampo ni Derek. Pero mabuti na ‘yung ilahad lahat ni Atty. Joji with matching ebidensya.

Obvious namang gusto lang talaga nilang perahan si Derek, kaya tingnan natin kung ano ang isasagot nila rito.

Hindi naman daw ito aatrasan ng aktor, pero alam ko hindi niya madadaluhan lagi ang hearing nito, dahil magsisimula na siya sa Amazing Race Philippines.

Pero sabi naman ni Atty. Joji, pagdating sa bata ay hindi naman daw ito pababayaan ng kliyente niya.

Eh, nasaan ba ngayon ang bata? Ang dinig ko iniwan lang nitong babae sa kaibigan niya sa Dubai. Dapat dinala niya ‘yan dito, ‘di ba? Lalo na’t pinasasagot naman niya kay Derek ang lahat na gastusin ng bata.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING