Derek Ramsay, pinagtawanan ng netizens sa post kasama ang anak

Derek Ramsay, pinagtawanan ng netizens sa post kasama ang anak

Derek-RamsayPINAGTAWANAN LANG si Derek Ramsay nang mag-post siya ng photo nila ng kanyang anak. It was, to his bashers, an act of trying to project a good father image. Sabi pa ni Derek sa caption niya sa photo, miss na miss na niya ang kanyang anak sabay bati rito ng advance happy birthday.

When the photo surfaced in one popular website, marami ang tila naimbiyerna sa hunk actor. Puro batikos ang inabot ni Derek.

“this time last year, di nga alam na may son ka… tapos miss kaagad? hypocrite!” walang prenong comment ng isang guy.

One fan felt that Derek is doing it for “Publicity me movie yata..pa good image muna.”

“Palaocean deep na ksi. -_­ang gwapo nung anak nya though,” say naman ng isa pang hindi feel si Derek.

Tila hindi pa rin nakalilimutan ng mga tao ang pag-deny noon ni Derek na may anak na siya, kaya naman kahit na anong eklat nito sa kanyang anak ay hindi pinaniniwalaan ng mga utaw.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas