Derek Ramsay, pinabulaanang may third party sa hiwalayan!

ADVERTISING

Derek Ramsay, pinabulaanang may third party sa hiwalayan!

Derek Ramsay, pinabulaanang may third party sa hiwalayan!MARAMI ANG siguro ay nalungkot sa hiwalayang Derek Ramsay and Angelica Panganiban dahil halos anim na taon na ang kanilang pinagsamahan. Akala nga ng karamihan ay sa altar na matutuloy ang kanilang relasyon, pero nitong nakaraang Martes nga ay kinumpirma ng binata na hiwalay na nga sila ni Angel.

Matatandaang kinumpirma ni Derek noong Box-Office King and Queen awards na may pinagdaraanan nga silang dalawa, pero hindi niya ito idinetalye. Naintriga pa si Derek na may ‘something’ talaga sa kanilang relasyon nang hindi niya mabanggit ang pangalan ni Angel sa kanyang mga pinasasalamatan. Pero ayon pa rito, he considers Angel a member of his family, kaya naman daw nakasama na si Angel sa kanyang mga pinasalamatan nang binanggit niya ang kanyang pamilya.

Nitong mga nakaraang linggo, iniuugnay ang pangalan ni Angelica kay John Lloyd Cruz na kasama nito sa pelikula at ito raw ang dahilan ng kanilang  hiwalayan. Pero mahigpit itong pinabulaanan ni Derek.

Nitong Miyerkules, May 16, sa exclusive interview ng Juicy ng TV5 sa actor ay ipinagtanggol talaga niya ang dating kasintahan na may third party involved sa kanilang paghihiwalay ng landas. Ani Derek, “There’s no truth to that, there’s no truth to that. I’ll tell everybody, there’s no truth to that, hindi ganu’n si Angel. They just shot a movie in Vietnam for Star Cinema, sila ‘yung magkasama du’n. I think nagkataon lang na John Lloyd and Shaina are having problems as well.”

ADVERTISING

Tinawanan naman ni Derek ang isa pang balitang nag-uugnay naman sa kanya kay Sam Pinto. Ayon pa sa interview sa kanya ng Juicy, “I only worked with Sam Pinto two years ago for a commercial, and I was in Australia for Holy Week, and I think she was in Australia, pero hindi naman kami nagkita du’n. Like I said, I don’t know her personally, I know of course of who she is.”

 

BUMALIK NA sa ere kahapon ang programang T3, Kapatid Sagot Kita ng TV5. Ito ay kasunod ng pagbawi ng MTRCB sa suspensiyong kanilang ipinataw sa programa dahil diumano sa mga nabitiwang salita ng mga hosts nitong sina Ben, Raffy at Erwin Tulfo noong May 7 episode ng palabas.

Sa nasabing episode kasi ay medyo naging emosyonal ang magkakapatid dahil sa nangyari sa kanilang kuya na si Mon Tulfo na naka-engkuwentro ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa NAIA Terminal 3, last May 6.

Ayon pa sa MTRCB, ni-lift nila ang suspension provided that TV5 should guarantee that the said incident would not happen again. Pero tuloy pa rin daw ang pagdinig ng kaso. Sana tuluyan nang maayos ang gusot na ito.

 

MASASABI NATING taon talaga ni Edgar Allan Guzman ang 2012, dahil bukod sa magagandang projects na nakukuha niya sa kanyang home network, naka-dalawang best actor award na siya para sa indie movie na Ligo na U, Lapit na Me. Masayang kuwento sa amin ni Edgar, ginagawa na ang script ng sequel ng pelikula, at excited na rin siyang muling mag-shooting para rito.

Mahaba ang title ng sequel, It’s Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Allien ang Daigdig Ngayong 2012, at natitiyak ni Edgar na magiging isang magandang pelikula pa rin ito katulad ng una.

Sa May 31 naman ay may show sina Edgar at Iwa Motto sa Music Box, dubbed as ‘Magkikitang Muli, The X-Faxtor’, kung saan inamin ni Edgar na naging sila pala ni Iwa noon pero for a very short period of time lang daw. Kaya naman sa mga nais makanood ng super sayang performance na ito nina Edgar at Iwa, nood na kayo sa kanilang show sa May 31, murang-mura lang po ang ticket sa halagang P500, kaya watch na!!!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING