Derek Ramsay, pabor sa pagsasapubliko ng listahan ng celebrities na sangkot sa droga

ADVERTISING

Derek Ramsay, pabor sa pagsasapubliko ng listahan ng celebrities na sangkot sa droga

Derek Ramsay
Derek Ramsay

Pabor si Derek Ramsay, leading man ni Lovi Poe sa pelikulang “The Escort” ng Regal Entertainment, na ilabas ng PNP ang listahan ng celebrities na involved sa droga. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay kinakalaban na niya ang kapwa celebrities.

“For me, what’s important, bago sila maglabas, dapat talagang sigurado, kasi masisira mo ang buhay ng tao.

“So if it’s just hearsay, I don’t think you should ano, but if you’re 100% sure na this person was giving the chance to stop what they’re doing, pero patuloy pa rin, I think, yes, you should expose that out to the public because as a celebrity, niloloko mo ‘yung mga taong naniniwala sa ‘yo,” sambit niya.

Ayon pa sa aktor, mas may responsibilidad ang mga artista na magpakita ng magandang halimbawa sa publiko.

ADVERTISING

“For me pa nga, we have more responsibility because there are so many people, especially the youth that look up to us na you’re lying to people if you’re saying like your certain way, pero ‘yun pala, nagtutulak ka ng droga.

“Pero again, dapat talaga, siguraduhin kung gumagamit or tumutulak,” deklara ng hunk actor.

Dagdag pa ng hunk aktor, “We, celebrities, that doesn’t make us better than everybody else. We’re still the same as everybody. If you are involved with illegal substances and you don’t want to stop, you should be put out there.”

Tama nga naman si Papa Derek!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING