Derek Ramsay, often caught in girlfriend Angelica Panganiban’s fight!

ADVERTISING

Derek Ramsay, often caught in girlfriend Angelica Panganiban’s fight!

Derek Ramsay, often caught in girlfriend Angelica Panganiban’s fight!HINDI TALAGA MAKUHA ni Angelica Panganiban ang lahat ng pabor para sa kanyang sarili sa mga panahong ito. Mayroon siyang bonggang lovelife, dahil bukod sa mayaman ay napakabait ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Bongga rin ang kanyang movie career, dahil bukod sa pambida na siya ngayon ay hindi siya nawawalan ng mga proyekto sa telebisyon man o pelikula. Sunud-sunod na awards na rin ang kanyang tinatanggap, at nitong huli ay siya ang tinanghal na Best Actress in a Musical or Comedy Film sa katatapos na 8th Golden Screen Awards ng ENPRESS (Entertainment Press Society).

ADVERTISING

Mabait si Angelica sa totoong buhay. Pero marami ang nakakapansin, na nitong magdalaga na siya at patuloy na sumisikat ay parang sobra naman siyang nagiging prangka. Na madalas, ang nagiging dating ng kanyang kaprangkahan ay parang kayabangan at pagiging maangas niya. Pansinin daw, na kapag nagsasalita si Angelica ngayon ay parang lagi siyang mayroong mga tao na pinatatamaan ng talim ng kanyang dila sa kanyang mga sinasalita, kaya ang ending ay ang dami-daming nagagalit sa kanya.

Ang nagdaang year 2010 ay taon na ang dami-daming nakakaaway ni Angelica. Pasok ang year 2011 ay mayroon pa rin siyang mga nakakaaway. Siyempre, sa mga nakakaintrigahan niya, nadadamay na ang kanyang boyfriend na si Derek, dahil alangan namang iwan siya ng karelasyon niya sa kanyang laban? Ang nakaka-bother lang dito ay baka hindi magustuhan ng mga magulang ni Ramsay ang nangyayari, na napapaaway ngayon ang kanilang anak at nasusulat iyon sa mga pahayagan at nababalita sa radyo at telebis-yon. Napakatahimik at simple pa naman ng pamilya nina Derek.

MASAGWA ANG NANGYAYARI sa kontrobersiyang nag-ugat sa pagma-macho dancing ng isang bata sa “Willing Willie” ng TV5.  Mayroong konting pagkakamali, pero habang itinutuwid iyon ay nagkakaroon ng maraming magkakaaway dahil sa kanilang mga patutsadahan. Normal lang na mayroong mga nakisawsaw na nagkomento, pero dahan-dahan lang sana sa mga pagtira. Mayroon namang mga malalapit kay Willie Revillame na sobra ring uma-take ng kanilang kapwa para lang ipagtanggol si Willie. Nagkakapersonalan na sila. Tumutok lang sana sa isyu at huwag magbatuhan ng masasakit na salita.

ADVERTISING

HAPPY ANNIVERSARY SA programang Paparazzi ng TV5 nina Tita Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Mo Twister at Dolly Anne Carvajal. Ang saya-saya at ang bilis lumipas ng isang taon, na bilang manunulat ay isa ako sa mga naging bahagi rin ng nagtatagal na talkshow ng Singko, dahil buwan-buwan simula  nang  umere ang nasabing show ay nagge-guest ako lagi sa kanilang segment na “Presscon Express” para magtanong sa artistang kanilang nagiging panauhin sa araw na iyon.

Noong nagsisimula pa lang ang show, talagang malungkot ang tanawin sa nasabing TV station, dahil napakatahimik at kokonti pa ang mga tao. Napakainit din sa studio dati, pero ngayon ay nagkaroon na talaga ng malaking pagbabago sa bakuran ng Singko. Masaya na roon, marami nang tao sa loob at labas ng kanilang bakuran. Higit sa lahat, malamig na ang kani-lang aircon, kaya hindi na kami naiinitan kapag nagiging bisita nila kami.

Mabilis ang pag-unlad ng TV5 dahil nararamdaman na iyon. Pero habang lumalaki ang kanilang network, sana’y huwag magbago ang kasimplehan at kabaitan ng mga tauhan ni Mr. Manny Pangilinan. Magagalang at mababait sa press ang mga tauhan ng Singko, katulad ng talent coordinator na si Liza Endaya ganu’n din si Direk Elmer Reyes. Magmula sa mga guwardiya sa entrance ng TV5 hanggang sa pagpasok sa loob ay maasikaso ang mga tao sa kanilang mga bisita, kaya nakakaaliw sila.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING