Derek Ramsay, nilawayan ang buong mukha ni Kiray Celis

Derek Ramsay, nilawayan ang buong mukha ni Kiray Celis

Derek Ramsay, nilawayan ang buong mukha ni Kiray CelisNatawa ako sa kuwento ni Derek Ramsay sa isang eksena nila ni Kiray Celis sa rom-com ng Regal Films na “Love is Blind” na mapanonood na sa darating na Miyerkules, February 10, bilang Valentine’s Day offering ng Regal sa mga magsing-irog na gusto ng romance at mag-laugh trip sa extended na Valentine.

Sa kissing scene kasi nina Derek Ramsay at Kiray, super to the max ang halikan ng dalawa isang eksena, kung saan halos lawayan na ni Derek si Kiray Celis dahil ‘yun ang eksena na gusto ni Direk Jason Paul Laxamana na segue naman sa eksena nina Kiray with Kean Cipriano.

Dahil basa sa laway ni Derek ang mukha ni Kiray sa eksena, pabirong sabi ni Kean, “Para ko na ring nahalikan si Derek dahil ang mukha ni Kiray na tadtad sa laway ni Derek ang hinahalikan ko, natatawang kuwento ng rakista during the media conference na ginanap sa Luxent Hotel kamakailan.

Actually more of a laugh trip ang “Love is Blind” dahil with Kiray’s kind of humor, kahit kaeksena niya si Derek na pantasya ang kaseksihan ng pangangatawan ng sambayanan, at si Kean naman ay appeal rakista, ang dalawang leading man ni Kiray ay natatawa pa rin sa batang komedyante.

Reyted K
By RK VillaCorta