Derek Ramsay, nawawalan na ng dating?!

ADVERTISING

Derek Ramsay, nawawalan na ng dating?!

Derek Ramsay, nawawalan na ng dating?!HINDI MAN aminin ni Derek Ramsay, apektado ang actor sa ginawa ng ABS-CBN na pagbawalan sina Anne Curtis at Andi Eigenmann na banggitin ang pangalan niya sa promo ng kanilang pelikula. Pati nga TV trailer nito sa Dos ay kinatay ang kanyang mga eksena. Tuloy, walang gaanong impact sa manonood ang kanilang pelikula. Wala lang, parang commercial na dumaan lang sa manonood.

Kahit may galit si Derek sa Kapamilya Network, wala siyang magawa kung hindi tanggapin na lang niya ito. Balita nga, kahit photographers ng ABS Publishing ay pinagbawalan ding kunan ang actor. Iba kasi ang dating kapag sa Dos ka nagpo-promote ng iyong pelikula or concert dahil nakatutok ang buong mundo sa mga palabas nila.

Sa totoo lang, nabawasan ang kasikatan ni Derek nang lumipat ito sa TV5. Oo nga’t may mga bagong shows sa Kapatid Network pero ang tanong, may manonood ba? ‘Yung mga shows nga nila hanggang ngayon hindi makaabante, bagsak sa rating, palaging kulelat. Ito pa kayang shows ni Derek. Tanging Wil Time Big Time ni Willie Revillame at Face to Face ang mataas ang rating. Isabay pa namin ang tuluyang paghihiwalay nila ni Angelica Panganiban. Kahit may bagong dyowa ngayon ang hunk actor, hindi ganu’n kainit ang pagtanggap sa kanila ng mga fans.

Well, i-enjoy na lang ni Derek ang malaking TF na natatanggap niya sa Singko.

ADVERTISING

 

HAPPY NGAYON si Jericho Rosales sa non-showbiz girlfriend niyang si Kim Jones. Pareho silang mahilig sa sports tulad ng surfing kaya madali silang nagkaunawaan. Eight months ding niligawan ng actor ang dalaga bago naging sila. One year na ang kanilang relationship and it’s getting stronger. Si Kim daw ngayon ang nagpapasaya sa kanya at tini-treasure daw niya ang bawat sandaling magkasama sila.

Mas tahimik ngayon ang personal life ni Echo dahil walang intriga.

“‘Yun nga ang maganda sa relationship namin. Naiintindihan niya ‘yung trabaho ko. Kahit hindi kami nagkikita, tuloy pa rin ‘yung communication namin sa isa’t isa. Iba ‘yung feeling kapag nakausap mo na siya lalo na kapag kasama mo ‘yung mahal mo,” nakatutuwang sambit ng actor.

Seryoso ang love relationship na mayroon sina Jericho at Kim, pero hindi nangangahulugang lalagay na sila sa tahimik. Marami pa raw silang gustong ma-achieve sa buhay. It’s to early to tell daw kung sila na nga ang magkakatuluyan sa bandang huli. Pangarap ni Echo to go regional or international. Makapag-audition – abroad. Maka-experience ng foreign production whether sa Asia, Canada, States or Australia. Gusto rin niyang makagawa ng maraming pelikula kaysa maraming show sa TV.

“Wish ko, makahanap ng tamang script, isang script na mamahalin ko at babagay sa akin. Pangarap ko ring makapag-produce someday ng pelikula,” aniya.

Pinangarap pala ni Jericho makatrabaho sina Iza Calzado at Marian Rivera, pati na rin sina Cesar Montano, Richard Gomez at Sid Lucero na pawang magagaling na mga artista.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING