Derek Ramsay, nakikiusap na ‘wag silang pag-awayin ni Angelica Panganiban

ADVERTISING

Derek Ramsay, nakikiusap na ‘wag silang pag-awayin ni Angelica Panganiban

Derek Ramsay, nakikiusap na ‘wag silang pag-awayin ni Angelica PanganibanWALANG ABOG at inamin ni Derek Ramsay na may bago na siyang pag-ibig ngayon matapos na maghiwalay sila ng kasintahang si Angelica Panganiban. “No, ayoko nang pag-usapan ito, kasi ginagawa nila kaming magkaaway ni Angel (tawag ni Derek kay Angelica). Matagal na kaming naghiwalay, so tapos na, ‘di ba?

Tumango si Derek sabay bigay ng makahulugang ngiti nang tanungin namin kung masaya siya para kina Angelica at John Lloyd Cruz. “At masaya rin ako para sa akin… masaya rin ako sa buhay ko,” sabi niya sa amin.

Tinitigan namin ang binata, tinantiya, bago pinakawalan ang kasunod na tanong. “Walang sumusunod na babae sa akin. Kung meron man, siguro special someone ‘yun…” at binirahan ng tawa ng binata. “You know, friend, I really want to  keep my lovelife very private… my high profile relationship, I mean, huwag na… basta ang importante may nagpapasaya na uli sa akin.”

At hindi raw showbiz girl ang bagong apple of the eye ni Derek kundi isang simpleng babae. “Honestly, mas maganda ‘yung hindi showbiz ang karelasyon mo. Mas makakikilos ka at makagagalaw ka nang sa kung ano ang gusto mo. Pero wala akong regrets sa naging relationship namin ni Angel, dahil naging masaya naman kami during those days na kami pa. Pero sana huwag naman kaming pag-awayin dahil wala namang reason para mangyari iyon.”

ADVERTISING

Sa kabuuan, ayaw nang patulan pa ni Derek ang ibat ibang issue na ibi-nabato sa kanya, dahil feel ng actor kahit wala siyang kasalanan ay nagagawaan siya ng kasalanan ng mga taong walang alam sa kung ano ang totoo sa naging relasyon nila ni Angelica. Tsuk!

 

IN NA sa showbiz si Arjo Atayde, ang 21 years old na anak ni Sylvia Sanchez, kung saan matapos itong gumanap sa programang E-Boy nina Ariel Rivera at Jomari Yllana, hinangaan din ang nasabing binata sa isa sa mga epidose ng Maalaala Mo Kaya.

“Ang natatandaan ko, pinakain na ako ni Mommy ng sili nu’ng magsalita ako sa isang maid namin. Kasi lumaki ako sa mga lolo at lola ko kaya parang na-ging spoiled ako. Kaya one time, nu’ng nasa bahay ako nina Mommy, may hinihingi ako sa maid, parang water yata iyon. Nang hindi ako agad mabigyan, parang nagsalita ako nang hindi maganda at nagkataong narinig ni Mommy. Hayon, ‘yung isang plastik na sili, dinurog niya at isinubo sa akin.”

Lumaki raw si Arjo na matino dahil ang kanyang ina na si Sylvia ay mapagmahal, ‘yun nga lang ay istrikto ito. “One time, pinaluhod naman niya ako sa asin at monggo. Hahaha!”

Pero hindi raw nagtanim ng sama ng loob ang binata sa ina. Bagkus, lalo niya itong minahal. “Sobrang magmahal si Mommy. Kaya niya iyon ginawa sa akin ay dahil gusto niyang maging mabait ako sa aking kapwa. Kaya nga ngayon, hindi ako ‘yung taong basta nagagalit. Ang hirap kong galitin. Pinalaki kasi kami ng aming ina sa kabutihang asal”

At para kay Sylvia, congratulations friend, dahil nagkaroon ka ng binatang anak na tulad ni Arjo. Tsuk!

 

PERSONAL NA nakausap ng Pinoy Parazzi si Gov. Vilma Santos sa Taal Lake habang on going ang Marian Regatta Fluvial Parade. Masaya at naging makulay ang nasabing okasyon para sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon kay Ate Vi, first time na nangyari sa Taal Lake ang magkaroon ng ganu’n kala-king programa, kung saan ay dinaluhan ng napakaraming tao bukod pa sa mga mayor, councilor at iba pang sangay ng ahensiya ng pamahalaan. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong sumuporta sa programang ito. At hindi biro ang ganitong pagtitipon,” sabi pa ng Star For All Seasons.

Samantala, sa huling linya ni Ate Vi, sinabi niyang wala siyang masasabi kung totoong plano na talaga nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano ang magpakasal. Kung paniniwalaan kasi ang balita, nagpaplano na ang magsing-irog na magpakasal this year.

“Kung saan masaya si Luis, du’n ako, at susuportahan ko siya,” pagwawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING