Derek Ramsay, naghahanap na ng bagong GF?!

ADVERTISING

Derek Ramsay, naghahanap na ng bagong GF?!

Derek Ramsay, naghahanap na ng bagong GF?!BUSY NGAYON si Derek Ramsay sa ginagawa niyang pelikula sa Viva Films katambal sina Andi Eigenmann at Anne Curtis, ang Nothing Compares To You, pero mailap na ito sa pagsagot pagdating sa usapin sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Noong Sabado, September 1, sa Ang Latest: Update ng TV5, nagsalita na si Derek tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay. Dito na rin nilinaw ni Derek na ayaw na niyang magbigay ng opinion tungkol kay Angel and John Lloyd.

Saad niya, “Anything I say even though it’s straight from the heart gets me in trouble. So, I think it’s better na tumahimik na lang ako, hindi na ako magsasalita basta happy ako sa buhay ko.”

Marami naman daw natutunan si Derek sa kanyang nakaraang relasyon. “It takes its toll through the years, everybody’s watching you. I just feel na if I wanna be with somebody, ayoko nang i-share sa lahat para malaman ng kasama ko na mahal ko siya.”

ADVERTISING

Kung muli man siyang umibig sa ngayon, ano kayang mga katangian ang hinahanap niya sa isang babae? “Someone as crazy as me, pero baka hindi ko yata mahanap ‘yun. Pero someone close to that. Simple and she has to be spontaneous. I’m not saying na wala kay Angel yung values na hinahanap ko, nandu’n. Kaya nga kami nagtagal ni Angel. Kaya lang may mga factors why hindi kami nagkatuluyan. That’s definitely the priority for me – somebody who’s old-fashioned, her values are intact just like Angel and tingnan natin kung anong mangyayari. Definitely, athletic.”

Dagdag pa ni Derek, wala naman daw problema pagdating sa edad ng girl basta mahal niya. “Basta tinamaan na ako, tinamaan. ‘Yun na ‘yun. Hindi na kai-langan na maganda, sexy.”

Sana nga mahanap na ni Papa Derek ang true happiness sa buhay.

 

LITERAL NA umiyak si Amy Perez noong Sabado, September 1, sa Ang Latest: Update ng TV5 sa advance birthday celebration nito sa kanilang show along with Congresswo-man Lucy Torres-Gomez, Mr. Fu and Cristy Fermin.

Sa September 5 pa talaga ang ika-43 birthday ng naka-on-leave na host ng Face To Face pero sinorpresa na siya ng kanyang co-host.

Pakiramdam ni Tyang Amy, na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan kundi ang tuluyan nang pagka-annul ng marriage nila ng ex-husband, ang dating vocalist ng bandang South Border na si Brix Ferraris. “Si-guro wala na akong hihilingin pa sa buhay. Lahat-lahat, kumbaga, nakaikot na ‘yung buhay ko, annulment na lang talaga.”

Matatandaang ilang beses nang na-deny ang petition ni Amy sa kor-te para tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal kay Brix.

Sa tanong kung iniinda pa rin ni Amy ang kasong annulment, napaiyak na ito bago sumagot. “Ayokong maiyak. ‘Pag naiisip ko lang kasi…” Dito na tuluyang nangilid ang luha ng Kapatid host. “Kapag nag-uusap kami ni Carlo (Castillo), ‘yun nga, parang sabi niya, sana bago man lang kami mag-sixty, maikasal tayo para rin sa mga bata. Kasi maayos na lahat, ‘yun na lang talaga. Na parang for me, kinukuwestiyon ko rin ‘yung nangyari na parang ewan ko, na minsan… ewan ko parang tinuturuan pa ako ng Diyos na maging mas mahaba pa ‘yung pasensiya ko. So, ganu’n na lang.”

Hindi pa rin lubos maisip ni Amy kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa matapos tapos ang kanyang isinampang kaso. Paliwanag pa nito, “Eh kasi kami naman talaga nung nagbigay na sila ng final na, final decision sa court…so we are looking for other means and ways,  na maayos siya. So ang hirap.”

Super blessed naman daw si Amy kahit naging balakid sa buhay nila ang annulment. Kasalukuyang apat na buwang buntis ito sa pangalawa nilang anak ng ka-partner na si Carlo. Ang panganay nila ay si Sean Kyle na tatlong taon na sa ngayon. “Oo naman din, sobra-sobra. Kaya naman wala na akong mahihiling pa, kasi I’m blessed with a good family, salamat sa lahat ng suporta nila, maayos ang trabaho ko, talagang walang-wala nang kulang.”

Dahil magiging tatlo na ang kanyang anak na lalaki, possible ka-yang after niyang makapa-nganak ay masundan agad ang kanyang pagbubuntis para makabuo naman ng baby girl? “Ay naku, sarado na ang tindahan.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING