Derek Ramsay, muntik nang makasama sa nag-crash na eroplano!

ADVERTISING

Derek Ramsay, muntik nang makasama sa nag-crash na eroplano!

Derek Ramsay, muntik nang makasama sa nag-crash na eroplano!NAITSIKA NI Derek Ramsay na dapat pala ay nakasakay sila ng manager niya sa nag-crash na eroplano na Asiana Airlines sa San Francisco. Tumanggap kasi ng award si Derek sa San Francisco kasama ang manager niya at ang sinabi na sasakyan nilang eroplano ay ang Asiana na nag-crash nga sa San Francisco.

Pero nagreklamo raw ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong at iginiit na sa Philippine Airlines sila isakay at hindi sa Asiana Airlines kaya nabago ang flight nila.

Laking pasasalamat ni Derek sa kakulitan ng manager niya dahil nailigtas sila sa malubhang sakuna.

Bukod nga pala sa TV series niyang Undercover sa TV5, sisimulan na rin ni Derek ang pelikula niya sa Viva Films na nakatakda ring ipalabas ngayon taon.

ADVERTISING

Excited na si Derek sa project na makakasama sina Cristine Reyes at Heart Evangelista.

“Viva has just submitted a wonderful script. So, they are trying to fix my schedule. Ang ganda ng script. ‘Yung story, hindi ko puwedeng sabihin. Pero nakakatakot. Talagang puwedeng mangyari. Talagang wow!”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING