Derek Ramsay, maraming pasabog laban sa ‘asawang’nagdemanda

ADVERTISING

Derek Ramsay, maraming pasabog laban sa ‘asawang’nagdemanda

Derek-RamsayNAPANOOD PALA ni Derek Ramsay ang kuwento namin tungkol sa isyu nila nitong babaeng nagpakilalang asawa niya na si Mary Christine Jolly.

Marami nang nagsasabi sa kanya na dapat na magsalita na raw siya para maipagtanggol niya ang kanyang sarili, pero mas gusto ng aktor na manahimik na lang. Ayaw naman daw niyang magsalita ng ikasisira ng babeng ‘yun kaya hinayaan na lang niyang maglabas ng kung anu-ano itong babaeng ito.

Basta sabi lang ng abogado niyang si Atty. Joji Alonso, abangan na lang daw sa August 20 na kung saan magsusumite sila ng kanilang counter-affidavit sa kasong isinampa.

Doon daw nila ilalabas lahat at humanda raw ang babaeng ‘yun.

ADVERTISING

Dinig ko lang kasi, ang dami nilang pasabog laban dito kay Mary Christine at kumpleto raw sila ng ebidensya.

Tiyak na ikagugulantang daw ng babaeng ito dahil kaya raw nilang pasinungalingan ang mga sinabi nito sa kanyang affidavit.

Doon na lang daw puwedeng magsalita si Derek para maipagtanggol naman niya ang kanyang sarili.

Basta ako, naniniwala ako kay Derek. Kahit ano pang sabihin ng babaeng ito, mas gusto ko pa ring paniwalaan ang aktor ‘no! Bahala kayo!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING