Derek Ramsay, lusot na sa mga kaso

ADVERTISING

Derek Ramsay, lusot na sa mga kaso

Derek-RamsayALL’S WELL that ends well na nga ang drama nina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly.

Pagkatapos nilang magkaroon ng settlement, iniurong na ni Mary Christine ang kasong Anti-Violence Against Women and Children laban sa aktor, at pati na rin ang Concubinage case, kung saan nadamay pa si Angelica Panganiban.

Nagkasundo din sila sa settlement, pero hindi pa sinabi ng lawyer ni Mary Christine kung sa magkano sila nagkasundo.

Basta nagkaroon daw ng settlement at sana magkakaroon daw si Derek ng panahon para sa kanyang anak.

ADVERTISING

Sa susunod na taon daw ay babalik na ng Dubai si Mary Christine kasama ang bata, pero babalik balik din sila rito.

Sa ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Derek dahil mas gusto sana niyang tahimik na lang. Pero hindi rin maiwasan ‘yan dahil magpu-promote din ‘yan ng pang-MMFF entry niyang No English Please.

At least naayos na, dahil noon pa man nararamdaman na namin na magkakaayos din ‘yan basta may datung na involved.

Siyempre pera lang naman ‘yan, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING