Derek Ramsay, kampanteng ‘di maaapektuhan ng love scenes nila ni Lovi Poe ang relasyon sa girlfriend

ADVERTISING

Derek Ramsay, kampanteng 'di maaapektuhan ng love scenes nila ni Lovi Poe ang relasyon sa girlfriend

Derek Ramsay and Lovi Poe
Derek Ramsay and Lovi Poe

Sa mga nakapanood ng full trailer ng pelikulang “The Escort”, iisipin na  totohanan ang love scenes na ginagawa ni Derek Ramsay at ng kapareha na si Lovi Poe.

Hindi mo iisipin na pampelikula lang ang mga eksena ng dalawa, na hindi ka magdadalawang-isip na mag-aakala na malamang sa hindi, baka ito ang maging rason ng away ni Derek at ng karelasyon niya.

Matagal na ang dalawa. Wala akong alam na intriga o tsismis, na mula nang maging magkarelasyon ang dalawa na nag-away sila tungkol sa pambabae o pagka-link ni Derek sa iba.

Pero dahil sa nakaku-kuryente ang love scenes nina Derek at Lovi, iisipin mo itong mga maiinit na eksena ang magiging dahilan na ikaseselos ng girlfriend ng sexy hunk.

ADVERTISING

Sa katunayan, may isang eksena pa nga sina Derek at Lovi na tinanggihan na ng sexy hunk na sabi niya ay sobra na para kay Lovi, kaya hindi na nila ginawa. Ito ‘yong love scene na “dog style” ang posisyon na para sa mga nakaiintindi, it’s very sensual, hot na hot kung hindi man matataguriang “hayop sa sex”, ‘ika nga, ang mapanonood na eksena.

Pero paliwanag ni Derek, “My girlfriend will understand. Hindi naman siya maaapektuhan sa mga eksena ko. I have told her of my role in the movie and the scenes na kukunan, specially the three love scenes that might affect the viewer when they watch the film,” sabi nito.

Kampante si Derek kay Joanne Villablanca, current GF niya, na hindi ang mga eksena niya kay Lovi ang magiging rason ng away nilang dalawa kung sakali, that might lead to a separation kung magpaaapekto ang kanyang girlfriend sa mga eksena ng boyfriend niya at ni Lovi.

May mga artista kasi na ang non-showbiz partners nila ay hindi naiintindihan ang trabaho nila. Kung super sexy ang mga eksena nila onscreen, hindi ibig sabihin nu’n ay totoo ‘yun. Kumbaga, they are just portraying their roles.

Paliwanag nga ni Derek sa grand presscon ng pelikulang “The Escort” na bukod kay Lovi ay kasama rin nila ang aktor na si Christopher de Leon na nasa direksyon ni Enzo Williams na showing na pagkatapos ng Undas (November 2), ginagawa lang nila ang mga ito dahil isa itong trabaho.

“It’s just a job. No more no less,” sabi ni Derek tungkol sa isyu.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING