Derek Ramsay, kakasuhan din ang dating asawa

ADVERTISING

Derek Ramsay, kakasuhan din ang dating asawa

Derek-RamsayMUKHANG MAY pinaghahandaan na rin ang kampo ni Derek Ramsay na isasampa nilang kaso laban kay Mary Christine Jolly, ha?!

Dinig ko, pati ang abogado nitong si Atty. Argee Guevarra ay meron din silang ikakaso, pero ayaw raw munang magsalita nila dahil inaayos pa lang naman nila.

Tingnan na lang natin kapag mag-file na sila, du’n na magkakaalaman.

Bago hinarap ni Derek itong kaso niya, inuna muna niya ang mga ex-girlfriend niya na nadamay sa gulong ‘yun.

ADVERTISING

Kinausap daw muna niya ang magulang ni Angelica Panganiban para mag-sorry. Tapos nu’n, tinawagan daw niya si Angelica para personal itong kausapin.

Ang alam ko hindi gaanong nagsalita si Angelica. Pinakinggan lang daw ang mga sinabi ni Derek at tinanggap naman daw ang sorry nito.

Pati si Solenn Heussaff ay kinausap daw ng magulang ni Derek para mag-sorry rin.

Hindi naman daw ito itinatago ni Derek sa kanila, at alam naman daw nila iba talaga ang ugali nitong si Mary Christine Jolly.

Tingnan na lang natin kung ano naman ang pasabog ng kampo ni Derek laban sa babaeng ito.

Basta kahit ano pang sabihin nila laban kay Derek, sa aktor pa rin ang simpatiya ko dahil napatunayan ko na talaga kung gaano siya kabait.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING