Derek Ramsay, itinangging hiwalay na sila ng non-showbiz GF; aminadong ‘di sila madalas nagkikita ngayon

ADVERTISING

Derek Ramsay, itinangging hiwalay na sila ng non-showbiz GF; aminadong ‘di sila madalas nagkikita ngayon

Derek Ramsay
Derek Ramsay

Pinabulaanan ni Derek Ramsay ang tsismis na split na sila ng girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Kumalat kasi ang tsismis na naghiwalay ang dalawa dahil nag-react daw si Joanne sa kissing scenes ng boyfriend at ng kasama nito sa pelikulang “My Candidate” na si Shaina Magdayao na naiulat namin sa kolumn namin dito.

Mantakin mo, 7 times na pauli-tulit ang kissing scene na hindi ma-perfect-perfect ng dalawa.

Sa panayam namin kay Derek Ramsay kahapon, pahayag niya tungkol sa sinasabing sobrang selosa ang kanyang girlfriend, “One thing I like about Joanne, she has her priorities. And her priority is her daughter, and I love that about her. And, you know, she’s not throwing all the time around me. I would be concerned na may anak siya, ang lahat ng oras niya ay sa akin nababato.

ADVERTISING

“Cause she’s a mother, and she has a responsibility being a mom. She’s balancing her time well with her child, herself, and her relationship.”

Dinenay ni Derek na split na sila ni Joanne. “Yeah, we’re good. ‘Yun lang ang parang lambing niya na, ‘Hoy, magpakita ka naman’,” pagkukuwento ni Derek tungol sa girlfriend at sa pangangantiyaw nito dahil sa sobrang kabisihan ng boyfriend na si Derek.

Sa darating na Sunday, May 8, Mother’s Day, “I wanna spend time with her. My mom and sisters are all mothers, and we’re gonna go on a trip together in June, to UK (United Kingdom), my hometown. So I’m gonna show her where I came from,” pagkukuwento ni Derek sa plano nila ng GF sa nalalapit nilang bakasyon.

Kampante si Derek sa relasyon niya with Joanne. She’s not selosa,” panigurado niya.

Ang UK trip nila ni Joanne ay magaganap sa June 19-29. 10 days of paglalakwatsa at lovng-loving na para lang sa kanilang dalawa. Happy!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING