Derek Ramsay, iniyakan ni Solenn Heusaff

ADVERTISING

Derek Ramsay, iniyakan ni Solenn Heusaff

Solenn-HeussaffANG GANDA ni Solenn Heusaff nang humarap sa entertainment press sa launching ng historical drama serye sa TV na Ilustrado. Medyo nanibago lang ang ilan dahil sa suot niyang Maria Clara costume na super init daw sa kanyang katawan.

Ginagampanan kasi niya ang papel na Nelli Boustead na naging girlfriend ni Jose Rizal na ginampanan naman ni Alden Richards.

Naaliw raw siya kay Alden dahil super galing daw ng young actor sa role na Rizal. Kapag eksena na raw nila ay kakaibang Alden na ang kaharap niya at hindi na ang actor na si Alden. First choice daw siya sa role na Ms. Boustead dahil isang French national ito sa tunay na buhay.

“Happy ako kasi hindi na ako kailangang mag-effort magsalita ng French. Pero dahil sa ‘Pinas ito ilalabas, gusto ni Direk na salitang Pinoy na rin ang gamitin para wala nang translation na ipakikita sa TV,” say ni Solenn.

ADVERTISING

Samantalang muling naungkat kay Solenn ang nakaraan nila ni Derek Ramsay na this time ay naikuwento niya kung paano sila nagkakilala ng actor.

“Nagkita at nagkakilala kami sa bar. Seventeen years old ako noon nang maging kami. Almost three years ding tumagal ang relasyon namin,” tsika ni Solenn.

When ask kung paano sila nagkahiwalay ni Derek: “Siya (Derek) ang nakipaghiwalay sa akin. Masakit, kasi first boyfriend ko siya. Yes, iniyakan ko ang break-up namin. I was only seventeen kasi noon. Pero no regret,” say pa ni Solenn.

Hindi rin raw niya alam na may wife na si Derek noon. Alam daw niya ang naging ex-girlfriend ng actor pero walang idea na may asawa na ito.

Tungkol naman sa lumabas na balita last Wednesday na engaged na ang kanyang kapatid na si Erwan at girlfriend nitong si Anne Curtis: “Oh, you know, there’s always something about Anne and Erwan na rumors-rumors lang, laging may break-up, laging may ganoon, so I finally don’t give a shit. I don’t read,” nakangiting paliwanag ni Solenn.

Walang katotohanan daw na engaged ang dalawa at malabo raw na magpakasal na ang kapatid niya dahil young pa raw ito. Si Erwan daw ay 27 years old pa lang at si Anne ay almost kasing-edad din daw niya na almost 30 years old.

Kung pag-aasawa raw ang pag-uusapan ay kailangang mauna siyangt mag-asawa bago ang kapatid na si Erwan.

Three years na raw silang nagli-live in ng Argentinian boyfriend. Isang kapirasong papel na lang daw ang kulang sa kanila para sabihan na mag-asawa na sila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING