Derek Ramsay, iniwan ng dating asawa dahil sa pambababae

ADVERTISING

Derek Ramsay, iniwan ng dating asawa dahil sa pambababae

Derek-RamsayHINDI SANA makaapekto sa maganda at wholesome image ni Derek Ramsay ang mga naging pahayag ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ito nagsampa ng reklamo sa actor.

Ang kasong isinampa ng estranged wife ay paglabag ni Derek sa Republic Act No. 9262 o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Makati Prosecutor’s office.

Ayon kay Mary Christine, mag-isa niyang pinalaki ang kanilang anak ni Derek na wala man lang daw binigay na suporta ang actor sa anak. Inamin naman ng estranged wife na siya ang nang-iwan kay Derek dahil noon daw nagsasama sila ay madalas daw umuwi ang actor na lasing at nalaman din daw niya na nakikipag-date pa ito sa ibang babae.

Gusto lang daw ni Mary Christine, ang nararapat sa kanilang anak dahil obligasyon daw ng actor na magbigay ng suporta. Na-offend daw si Mary Christine nang husto nang sabihin daw ni Derek na gusto raw niyang gawin human ATM ang actor.

ADVERTISING

Samantalang sa isang interview kay Derek ay nasabi ng actor na hindi ito nagkulang ng suporta sa anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING