Derek Ramsay, inilalaglag ng Dos?!

Derek Ramsay, inilalaglag ng Dos?!

Derek Ramsay, inilalaglag ng Dos?!KUNG ILANG BESES kaming nag-isip bago namin isinulat ang kolum na ito. Kasi hindi man magsalita si Derek Ramsay, alam naming nasasaktan ang binata sa patuloy na ginagawa sa kanya ang ABS-CBN.

Noong una, alam naman nating lahat na “nasaktan” si Derek nang ilabas ng TV Patrol ang marriage contract nito, kung saan ay nagsasabing may pinakasalang non-showbiz girl ang binata, na hanggang sa mga sandaling ito ay patuloy na ayaw pag-usapan ng aktor.

Alam ng ABS na hindi nagustuhan ni Derek ang ginawa ng TV Patrol. Pero anong damdamin meron ang Channel 2 na nasaktan na nga noong una ang kanilang alaga sa inilabas nilang balita, pinayagan pa nilang lumabas uli ang ikalawang “pasabog” na diumano ay DNA ng anak ni Derek?

Uy, teka! Kapamilya nga ba talaga ang ABS? Kasi sa pagkakaalam ko kapag kapamilya, nagmamahalan at hindi nagbubulgaran. Sige sabihin na nating totoo lahat ng mga nakalap nilang balita, pero siguro mas makabubuti kung ibang tao na lang o ibang kumpanya na lang ang nagpasabog ng isyu at hindi ‘yung sa sariling mother studio pa mismo ni Derek nagmula ang balita.

Hindi bobo si Derek at lalong hindi manhid para hindi masaktan sa ginagawa sa kanya ng ABS. Feeling namin ay may sumasabotahe sa career ng aktor dahil sa kinaiinggitan.

“Irespeto naman sana nila si Derek. Dahil ba sa rating ay wil-ling na nilang ibagsak ‘yung taong wala namang masamang ginawa sa kanila? Alam mo naawa ako kay Derek, kasi hindi nila alam kung bakit may ganu’ng pangyayari sa buhay nito,” sabi ng aming source.

Sa totoo lang, hindi na kami magtataka kung isang araw ay maisipan ni Derek na lumipat sa ibang TV network kasi hindi nito nararamdaman ang respeto at concern sa kanya ng Dos bilang Kapamilya.

 

MATAGAL NA ANG isyung hiwalay na sina Melissa Ricks at Jake Cuenca. Sa tuwing tatanungin noon ang aktres kung bakit sila naghiwalay ni Jake, isang matamis na ngiti lang ang agad niyang isinusukli kasunod ang litanyang, “Happy at sarili namin ‘yung desisyon.”

Pero ibang Melissa ang napanood namin noong Linggo sa prog-ramang The Buzz. Umiyak siya at parang apektado talaga siya sa nangyaring break-up.

Teka, parang gusto naming mag-isip na ginagamit ni Melissa ang break-up nila ni Jake para sa kanyang solo TV series sa Dos. Dahil kung totoong nasaktan siya sa hiwalayan nila ni Jake, dapat noon pa niya sinambulat ang totoo niyang damdamin at hindi na niya hinintay pa ang airing ng Nasaan Ka, Elisa?.

Ewan ko lang, sa naging reaction ni Melissa sa The Buzz, parang gusto naming maniwalang gimik lang ang lahat or ginagamit ni Melissa si Jake para pag-usapan ang first starring role niya sa ABS. Tsuk!

 

BLIND ITEM: MAY gusto  sana kaming su-latin. Isang dating kilalang aktres na nga-yon ay nasa isang pagamutan. Nawala kasi ito sa katinuan, kung saan ay nakapag-asawa ito ng isang businessman na ang business pala ay droga. Kaya lang bukod sa bawal ay baka kami naman ang buweltahan ng mayaman nitong angkan.

Kaya ang dating sexy actress na nagtitinda na lang ngayon ng gulay sa palengke ang ating pag-usapan. Sa Region 4 naroon ngayon ang dating sexy actress na nagtitinda ng gulay. Ang bida sa ating blind item sa araw na ito ay ang aktres na kung ilang beses nang nakakuha ng acting award dahil sa husay ng kanyang pagganap.

Nawala siya sa showbiz dahil nakapag-asawa siya noon ng businessman. Pero sad to say, ilang taon lang ay namatay ang nasabing businessman kaya naibenta ang lahat ng naipundar hanggang sa siya ay magkasakit ng cancer.

May sakit na cancer noon si sexy actress, gumaling siya, pero nitong huli ang pakiramdam niya ay umuulit na naman ang kanyang sakit. At dahil sa kakulangan ng pera, humihingi na lang siya ng tulong sa ilang kaibigan at mga politician.

Si dating sexy actress ay malayung-malayo sa aura niya noon, dahil bukod sa payat ito, mukha na itong matanda habang dala-dala ang bilao na may lamang kamatis, sibuyas at kung anu-ano pang kagulayan.

More Luck
by Morly Alinio