Derek Ramsay, inaming nagkita sila ni Cristine Reyes sa Batangas!

ADVERTISING

Derek Ramsay, inaming nagkita sila ni Cristine Reyes sa Batangas!Derek Ramsay, inaming nagkita sila ni Cristine Reyes sa Batangas!

PINAGTAWANAN LANG ni Derek Ramsay ang balitang sila na ni Cristine Reyes. Sa isang report kasi ay may nakakita raw kay Derek at sa aktres na si Cristine sa Batangas, kung saan ay magkasama raw ang dalawa.

“‘Pag magkasama ba ang dalawang tao, sila na?” pahayag ni Derek nang makausap namin ito kamakailan.

Ayon pa kay Derek, totoong nagkita sila ni Cristine, pero hindi raw inaasahan ang pagkikita na iyon.

ADVERTISING

“Alam mo naman ang totoo, friend. Masaya ako sa buhay ko ngayon ay kilala n’yo siya, ‘di ba?” Nakangiting sabi pa ng aktor sa amin.

Sinabi pa ni Derek na bahala na raw mag-isip ang iba, basta ang importante ay malinis ang kanyang konsensiya.

Kung paniniwalaan ang balita, bukod sa Batangas ay nagkita rin daw sina Derek at Cristine sa Boracay.

“Hay, heto na naman tayo. Sabi ko nga, ayoko nang patulan ang mga ganyang intriga dahil wala… wala. Walang dapat ipaliwanag dahil wala naman talaga.”

Sabi ni Derek, maganda at smooth daw ang relasyon nila ni Alex, kaya hindi niya iyon hahayaang masira.

“Friend, after Angelica (Panganiban), tama na muna sa showbiz. Mas maganda ‘yung ganitong relasyon, tahimik at iwas sa intriga,” pagwawakas ng binata.

Derek Ramsay, inaming nagkita sila ni Cristine Reyes sa Batangas!GAWA NA ang script at any time ay puwede nang simulan ang soap opera na pagsasamahan nina Anne Curtis, Robin Padilla at Kris Aquno.

“Sobrang excited ako, dahil dati ate ko lang si Ate Kris sa mga project na napagsamahan na namin. Pero this time, karibal ko na siya,” tumatawang panimula iyon ni Anne nang huling makausap sa isang event ng Greenwhich.

Sabi ni Anne, sa nasabing soap opera ay pag-aawayan at pagkakaribalan nila si Robin Padilla.

“Dati, kuya ko lang siya, pero ngayon magiging lover ko na,” tumatawa pang sundot ng dalaga.

Ayon kay Anne, this year ay hindi raw siya sa Pilipinas magpa-Pasko dahil balak niyang sa Australia mag-celebrate ng Christmas.

“Mauuna na du’n ‘yung ibang family member namin, then susunod na lang ako. Kasi marami pa akong commitments na dapat ayusin.”

Kuwento pa ni Anne, matagal na rin daw na hindi siya nakapag-celebrate ng Pasko na kasama ang buong pamilya, kaya ganu’n na lang ang kanyang katuwaan dahil magkakaroon ng katuparan ang matagal na niyang pangarap.

 

NAKAUSAP NAMIN si Janice de Belen at sobrang saya niya dahil nangunguna sa rating ang programang Ina, Anak, Kapatid na pinangungunahan nina Kim Chiu, Maja Salvador, Ariel Rivera, Eddie Garcia, Cherie Pie Picache, Pilar Pilapil at marami pang iba.

“Siyempre mas gusto ko ‘yung inaapi ako pero masaya naman ako dahil kahit may pagka-kontrabida ang role ko rito, ang importante ay nagugustuhan ito ng mga tao,” pahayag ni Janice sa amin.

Sabi ni Janice ang isa sa mga nakikita niyang dahilan kung bakit tinatangkilik ang kanilag serye ay dahil napakaganda ng istorya bukod pa sa magagaling na artista ang kanyang mga kasama.

Samantala, kung ang Ina, Anak, Kapatid ay nangunguna sa gabi, ang Be CareFul With My Heart naman ni Jodi Sta. Maria ang sa umaga habang ang Master Chef Pinoy Edition  ni Judy Ann Santos ay ‘di rin nagpapahuli sa ratings, huh!

 

More Luck
by Morly Alinio

 

ADVERTISING