Derek Ramsay, inakalang ‘perfect match’ na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz

Derek Ramsay, inakalang 'perfect match' na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz

Derek Ramsay, inakalang 'perfect match' na sina Angelica Panganiban at John Lloyd CruzSa character ni Angelica Panganiban, dapat malakas din ang karakter mo para magkasundo kayo ng aktres.

Ito ang assessment ni Derek Ramsay sa dating girlfriend niya (for 6 years) na during their time, masaya sila na in-enjoy ang relasyon nilang dalawa.

Sa deskripsyon ni Derek Ramsay sa kanila noon ni Angelica Panganiban: “You need to have… kung ‘di malakas ang personality mo, hindi ka bagay kay Angelica. You have to match that.

“Si Angelica, she loves life, she’s spontaneous; she’s very passionate, and so is John Lloyd. I thought they were the perfect match, I thought magkakatuluyan na sila,” sabi pa ni Derek na nakausap ng press sa grand press launch ng bagong show nito na “HAPPY TRUCK HAPPinas” na magsisimula na sa darating na March 6 na bagong Sunday noontime show ng Viva Communications, Inc. at TV5.

Idinepensa ni Derek ag dating girlfriend. “Definitely, there’s nothing wrong with Angel, she’s a great person,” sabi nito sa press.

After Angelica, Derek is enjoying his relationship with his non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca, kung saan recently ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang anniversary with a Palawan holiday kasama ang anak ni Derek.

Pagbabalita ni Derek sa amin, sa Novaliches studio na ang based ng bagong game and musical show nila nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, and the rest of the gang na susuportahan ng mga bagets na mga artists ng Viva at TV5.

Reyted K
By RK VillaCorta