Derek Ramsay, ibinulgar na sa telepono lang niya hiniwalayan si Andrea Torres

KUNG si Andrea Torres ay tahimik lang at pinagtutuunan ng pansin ang kanyang upcoming TV series na Legal Wives, ang kanyang newly-engaged ex-boyfriend na si Derek Ramsay ay patuloy pa rin sa pagbunyag ng mga detalye tungkol sa kanyang naging ex-girlfriends.

Sa panayam ni Cristy Fermin sa hunk actor sa pamamagitan ng Cristy Per Minute radio program noong April 20 ay ipinaliwanag ni Derek Ramsay kung paano sila nagbreak ni Andrea.

Derek Ramsay, ibinulgar na sa telepono lang niya hiniwalayan si Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres (AnDrek)

“Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki.

“Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.

“So I told her, ‘I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter.

“‘So I think it’s just best na kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.

“‘Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort… masakit, di ba?'”

Nagkakilala sina Derek at Andrea nang magsama sa sexy drama primetime series ng GMA na ‘The Better Woman’ na ipinalabas mula July hanggang September 2019. Ito ang kaisa-isang teleseryeng ginawa ni Derek magmula nang magbalik ito sa Kapuso Network.

Derek Ramsay, ibinulgar na sa telepono lang niya hiniwalayan si Andrea Torres
Andrea Torres | Andrea carrying Derek Ramsay

May mga nagsasabi na initially raw ay gusto ni Derek na magsama na sila ni Andrea sa iisang bahay. Very close ang Kapuso actress sa kanyang pamilya at sa interview na rin noon sa dalaga ay sinabi nito na mas gusto niya munang ikasal bago makipagsama sa kanyang karelasyon sa iisang bahay.

Well, kung hindi nga naman sila pareho ng prinsipyo patungkol sa ganitong usapin ay mas okay na rin na naghiwalay na sila. Mukhang masaya naman si Derek sa piling ni Ellen Adarna na ngayon ay kasama na niya sa iisang bahay habang si Andrea naman ay siguradong mas uusbong pa ang showbiz career.