Derek Ramsay, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend dahil kay Shaina Magdayao?

ADVERTISING

Derek Ramsay, hiwalay na sa non-showbiz girlfriend dahil kay Shaina Magdayao?

Derek Ramsay and Shaina Magdayao
Derek Ramsay and Shaina Magdayao

Si Shaina Magdayao ba talaga ang dahilan ng hiwalayan between Derek Ramsay at ang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca?

Si Shaina Magdayao kasi ang itinuturong dahilan ng split-up ng dalawa.

Papaano ba naman na hindi ka magre-react kung alam mo na kampante ka sa BF mo na si Derek Ramsay, pero ang kaeksena naman niya sa pelikulang “My Candidate” na si Shaina, hindi lang pala cinematic kissing ang ginawa sa halos 7 kissing scenes nila, kundi with matching buka pa ng bibig ang dalawa at ang maging BF mo ay tila napasabay na rin at nadala ng mga eksena.

Mantakin mo, eksena ng pitong halikan with matching open mouth, sino nga ba naman ang hindi magre-react?

ADVERTISING

Dahil sa kaganapan, ang kuwento ngayon, tila nasa ceasfire muna sina Derek at Joanne, at si Shaina na siya itinuturong dahilan ng kagulan ay tila deadma lang, na ang rason na ibinibigay niya sa mga press na nag-uurirat ay “It’s just a role. Trabaho lang. Nothing personal.”

Ang pelikula ay isang satire tungkol sa mga kumakandidato sa election. Derek plays the role of Sonny na kalaban naman ni Iza Calzado sa pinag-aagawan nilang posisyon ay nasa direksyon ni Quark Henares para sa Quantum Films at mapanonood na sa May 11.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING