Derek Ramsay, hirap nang ibalik ang dating kasikatan

Derek Ramsay, hirap nang ibalik ang dating kasikatan

Derek-RamsayWALANG MAGAWA si Derek Ramsay kahit ka-cheapan ang mga project na ibinibigay sa kanya ng TV5, kailangan niyang tanggapin, wala siyang choice kahit ayaw nito. Ngayon naman, ginawang comedian ang actor sa bagong comedy show with Empoy. Ang press release ay mataas daw ang rating. Kailan nangyari na nalagpasan nila ang mga katapat nilang show ng Kapamilya at Kapuso networks? Kaloka, nangangarap nang gising itong Singko. Nagpipilit, bulok naman ang idea at concept ng kanilang mga show.

Always at forever nang kulelat ang Singko dahil wala naman silang viewers. Ang station na wala namang nanonood. Kahit hindi sabihin ni Derek na nagkamali siya sa kanyang desisyon nang lumipat siya sa TV5, ayaw na lang nitong mag-comment. Naramdaman ng hunk actor na tumamlay ang career niya. Hindi tulad ng dati na tinitilian at pinapantasya siya ng mga kababaihan at matrona. Pero ngayon, he’s just an ordinanary actor in showbiz.

Sa totoo lang, iba na ang aura ni Derek. Nawala ‘yung pagiging hunk actor nito. Marami ring controversial issue na pinagdaanan ang actor bago ito naka-recover at naka-move-forward. Kahit pilit niyang ibalik ang dati nitong kasikatan, mahihirapan si Derek. Hindi nakatutulong sa career niya ang mga show nito sa TV5. Well, sa tingin namin tanggap na rin ng actor na marami siyang naging maling desisyon at pinagsisisihan niya ito. Enjoy na lang ni Derek ang life, bukas-makalawa paggising niya, it’s another day. Sikat pa kaya si Derek Ramsay after his contract sa TV5? Ano sa tingin ninyo?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield