Derek Ramsay, handang hiwalayan ni Angelica Panganiban!

Derek Ramsay, handang hiwalayan ni Angelica Panganiban!

Derek Ramsay, handang hiwalayan ni Angelica Panganiban!INAMIN NI Zoren Legaspi na tatlong sabay-sabay na offer ang natanggap ni Carmina Villaroel. Ang panibagong kontrata sa Channel 7 at ang nakakalokang offer ng TV5, pero mas pinili raw ng kanyang may bahay ang Channel 2.

“Actually, sabi ko nga sa kanya bakit hindi na lang TV5 para mas bongga ang kita. Hahaha! Nagbiro ba ako. Sabi niya sa akin, seryoso mas type daw niya kasi ‘yung mga project na gagawin niya sa Dos. Kaya hayun, pumirma siya ng 2 years contract sa Dos. Magkaiba kami ng mother studio,” at binirahan uli ng tawa ng aming kausap.

Ayon kay Zoren, wala namang problema sa kanila ni Carmina kung saan man silang station. Ang mahalaga raw ay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. “Nagkakaroon din kami ng tampuhan kung minsan, pero bibihirang mangyari iyon. Kasi almost perfect talaga kami nu’n sa isa’t isa.”

Pareho kasing masiyahin, kalog at down to earth sina Carmina at Zoren. “Siguro isa ‘yun sa malaking factor kung bakit ever since ay hindi n’yo nabalitaang nag-away kami. Kasi nga bukod sa mahal namin ang isa’t isa, may respeto kami sa lahat ng mga bagay na ginagawa namin,” sabi pa ni Zoren sa Pinoy Parazzi.

Isa sa staff ng Paparazzi ang nabulong sa amin na ito raw si Zoren ay masyadong hot pagdating sa issue. Mas gusto ng aktor na pinag-uusapan talaga ang lahat ng mga binabato niyang balita. “At ‘yun ang maganda kay Zoren. Hindi siya ‘yung artista na natatakot magbalita kasi pinoproteksiyunan niya ang pagiging artista niya. Si Zoren kapag umupo na iyan sa Paparazzi, talagang showbiz host ‘yan.”

Bulong nga sa amin ng isang taga-Paparazzi. Maraming isyung alam si Zoren na iniiwasan lang ibulgar ng mga taga-Paparazzi dahil talagang kung hindi away ay demanda ang aabutin ng nasabing show at ito ang dahilan kung bakit mas tinututukan ngayon ang nasabing problemang ang hatid ay maiinit at kontrobersiyal na balita na mapapanood tuwing Linggo sa ganap na ala-una ng hapon.

 

Derek Ramsay, handang hiwalayan ni Angelica Panganiban!

NAGKUWENTO SA akin si Derek Ramsay na pinagbantaan na siya ni Angelica Panganiban na kung hindi ito titigil sa paglalaro ng frisbee ay makikipag-break na ang aktres.

Ayon kay Derek, seryoso raw si Angelica nang pagbantaan siya na labis niyang ikinabigla. “Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko, kasi by February may laro kami ng team,” sabi ng aktor sa amin.

Ayon kay Derek, mahal niya si Angelica pero mahal din niya ang kanyang sport, “Bahala na, siguro hindi naman tototohanin ni Angel ang banta niya sa akin. Siguro naman ay maiintindihan niya ako,” Sabi pa uli sa amin ng binata na balitang may malaking offer sa TV5.

Usap-usapang nakatakdang bigyan ng isang malaking project si Derek sa TV5 na ang dating ng nasabing show ay parang Ama-zing Race. Pero ang problema ay mukhang walang balak na bitiwan siya ng Dos dahil may project ito with Bea Alonzo, bukod pa sa pelikulang nakatakda niyang gawin sa Star Cinema. “Sa ngayon mahirap magsalita tungkol sa mga bagay na iyan.”

Honestly, naiipit ngayon si Derek. Kaibigan niya si Manny Pangilinan ng TV5, pero malaki naman ang respeto niya at tumatanaw siya ng malaking utang na loob sa Dos. Pero kung anuman ang magiging desisyon ng aktor ngayong buwan ng January, iyon ang ating abangan. Tsuk!

 

“BAKIT KO naman gagawing cheap ang sarili ko? Bakit naman ako gigimik? Kung nililigawan ako ni Marvic (Vic Sotto), siya na lang ang tanungin n’yo. Basta hindi ako gumagawa ng eksena para lang pag-usapan. “Tuluy-tuloy na sabi iyon ni Niña Jose nang makausap namin.

Ayon kay Niña, kaya raw niya sinabing handa niyang sabunutan si Pauleen Luna ay dahil sa tanong ng isang reporter. “May nagtanong kasi sa akin what if daw at nagsalubong kami ng landas ni Pauleen ano ang gagawin ko. Sabi ko kung ano ang gagawin niya sa akin, gagawin ko rin sa kanya. So kung sasaktan niya ako, ‘di go. Bakit naman hindi ako lalaban kung sakali, ‘di ba?”

Sabi ni Niña hindi raw siya nagseselos kay Pauleen kung totoong girlfriend ito ni Boss Vic. “Basta ang masasabi ko lang kung talagang sila na, eh ‘di masaya ako,” sarcastic ang tono ng aktres.

More Luck
by Morly Alinio