Derek Ramsay, habang sumasatsat, lalong nagiging nega

ADVERTISING

Derek Ramsay, habang sumasatsat, lalong nagiging nega

Derek-RamsayKUNG AKO kay Derek Ramsay, tumahimik na lang siya kung gusto niya ng matiwasay na buhay para sa kanyang anak. Habang dakdak siya ng dakdak, lalong nagiging negative ang dating o impresyon ng publiko sa kanya. Ang dami pa kasing satsat na karugtong matapos na mag-usap sila ng asawa niyang si Mary Cristine Jolly at nagkaayos na sa mga responsibilidad niya sa kanyang anak (financially at bilang isang ama). Kung saan man mauuwi ang marital problem nila ng misis niya, at inaayos na nga nila, at sa relasyon niya sa kanyang anak ay walang makakapagsabi.

ADVERTISING

Kung ako kay Derek, manahimik na lang ako at hayaan ang korte kung kailangan ng batas para panghimasukan ang relasyon niya sa dating misis at sa anak na hindi niya kayang aregluhin. Kung sa bagay, may show si Derek sa istasyon ni MVP kaya siguro kailangan niyang mag-ingay.

Unsolicited advice, huwag siyang magpagamit dahil kapag hindi na siya mabango at may kinang pa, du’n pa lang niya mare-realize na gamit na gamit ang personal niyang buhay sa promotion ng palabas niya.

Basta ang publiko, ayaw ng lalaking nananakit ng babae. Ang publiko, ayaw ng ama na pabaya sa kanyang anak. Kung ako kay Derek, gawin na lang niya ang nararapat para mapunan ang naging pagkukulang niya sa kanyang anak na walang media coverage. Mag-effort siya na walang pagsusumbong sa reporters para sa free publicity ng kanyang bagong show.

ADVERTISING

 

ANO KAYA’NG nangyari sa supposed to be ay kasalan na magaganap sa Amerika nina Aiza Seguerra at ang partner niyang si Liza Dino? As far as I know, itong darating na October magaganap ang naturang kasalan sa Los Angeles, California tulad ng nai-announce na noon ng dalawa sa media.

Sa katunayan, dalawang kasalan ang magaganap, isa sa Amerika at ang pangalawa ay rito nga sa ‘Pinas na ang konsepto ay provincial na tipong sinauna na siyang type naman ni Aiza.

Sa pagkakaalam ko, kabilang sa mga ninang ng dalawa sa kasalan nila sa Amerika ay ang aktres na si Sylvia Sanchez.

Tila naunahan pa sina Aiza at Liza nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na recently lang nag-announce na ikakasal sila. Pero sina Dong at Yan ay plantsado na ang kasal sa December 30, while sina Chiz at Heart naman sa sa February 15, 2015.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING