Derek Ramsay, gustong bumawi sa anak

ADVERTISING

Derek Ramsay, gustong bumawi sa anak

Derek-RamsayKAHAPON DIN ang hearing nina Derek Ramsay at ng asawa niyang si Mary Christine Jolly.

Wala pa yata sila du’n sa Makati Prosectuor’s Office kaya wala pa akong balita habang nagdi-deadline ako.

Pero ang alam ko, nakahanda si Derek na mag-submit ng rejoinder niya kung sakaling isusumite rin ni Mary Christine ang reply affidavit niya.

Ang dinig ko kasi, baka matuloy pa rin ang kaso at hindi sila aabot sa settlement.

ADVERTISING

May mga narinig akong kuwento tungkol sa kanila na ang tingin ko riyan, pera lang talaga ang dahilan.

Basta ako, mas naniniwala ako kay Derek dahil nakikita ko naman ang sincerity sa mga sinasabi niya lalo na kapag tungkol sa kanyang anak.

Sinasabi naman niyang hindi niya pababayaan ang suporta sa bata at gusto niyang makabawi sa mga nawalang oras niya sa bata.

Pero ang suporta dapat sa bata lang at hindi sa ibang bagay, ‘no!

Abangan n’yo na lang sa Startalk kung ano ang kinalabasan ng hearing nila kahapon.

Sana nga magkaayos alang-alang sa bata.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING