Derek Ramsay, good karma ang best actor trophy

Derek Ramsay, good karma ang best actor trophy

Derek-RamsayMAGALING LANG talagang pumorma at magdala ng kanyang personality si Derek Ramsay, pero kahit kailan ay hindi siya naging mayabang. Hindi rin siya mahilig magmagaling. ‘Yung pagwawagi nga niya bilang Best Actor sa katatapos na Metro Manila Film Festival dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang English Only Please ay walang-wala sa isip niya ang umasa na mananalo siya. Basta, ang wish lang niya ay makagawa ulit siya ng bago at magandang pelikula. ‘Yun na daw ‘yon para sa kanya.

“Ang hirap din naman kasi na umasa ka. Narito lang naman tayo para magtrabaho at sipagan ang ginagawa mo. Sobrang happy ako sa award na natanggap ko. I mean, nakahabol pa talaga ako sa mga dapat ay mangyari sa akin sa showbiz. Dati kasi talaga, akala ko ay hindi na ako puwede, dahil nagsimula akong mag-artista na hindi na ako bagets,” wika ni Derek.

Good karma talaga ang nangyayari kay Derek, dahil mahusay siyang makisama sa loob at labas ng showbiz. Marami rin naman siyang dinaanang problema nitong nakaraang taon, dahil humantong sa husgado ang usapin nila ng kanyang ex-wife. Mahirap din ‘yung sitwasyon na umalis siya sa ABS-CBN sa panahong nagbibida na talaga siya sa mga pelikula at teleserye. Maganda ang pagtrato sa kanya ng TV5, dahil magaganda ang mga programang ibinibigay sa kanya. Ngayon nga ay nagka-award pa siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista