Derek Ramsay, done deal na ang paglipat sa TV5?!

ADVERTISING

Derek Ramsay, done deal na ang paglipat sa TV5?!

Derek Ramsay, done deal na ang paglipat sa TV5?!TRUE KAYANG SI Heart Evangelista ang dahilan kung bakit ayaw nang magpaseksi ni Daniel Matsunaga?

Sa isang sexy pictorial kasi ay pumayag na raw mag-pose ng naka-trunks lamang si Daniel. Okay naman ang concept sa kanyang management company, ang Mercator.

Problem is, nagpaalam yata si Daniel sa dyowa niyang si Heart at ayun, biglang nagbago ang isip ng Brapanese model at biglang inayawan na niya ang sexy concept ng pictorial.

May kinalaman ba si Heart sa sudden change of decision ni Daniel?

ADVERTISING

 

GUSTUNG-GUSTO NI YOUNG JV na makipag-collaborate kay Sarah Geronimo para sa isang kanta.

Sarah knows Young JV dahil magkasama sila sa Won’t Last A Day Without You where the singer had a short but important role.

Sa kanyang launching ng kanyang single na Alay, sinabi ni Young JV na he’s just waiting for Sarah’s availability para masimulan na ang kani-lang collaboration.

“Gusto ko talaga siyang maka-collaborate. Actually, may plano na akong maki-pag-collaborate sa kanya this year. Sana pumayag siya,” sabi ng singer.

This urban-pop singer also related na he’s an accidental actor.

“They needed a role for one of Gerald Anderson’s best friends. Gerald requested me. Biglaan nga, eh. Noong unang shooting ‘di ako makagalaw. I was very stiff. Nahirapan ako sa facial reactions. But I’m more comfortable now,” says Young JV.

 

KUMPIRMADO NANG SI Derek Ramsay ang susunod na Kapamilya star na magiging Kapatid.

Sabi ng aming source, almost done deal na raw ang negosasyon para lumipat si Derek sa TV5.

With this, maiiwan si Angelica Panganiban sa Dos dahil ang alam namin, kapipirma lang niya ng kontrata.

 

BONGGA ANG SINGING prowess ng Star Magic talent na si Nikki Samonte.

Nang pakantahin ito ni katotong Leo Bukas ay walang ka-effort-effort itong kumanta ng Just Can’t Wait To Be King na kinanta niya sa Singaporean production ng The Lion King. Na-impress kami sa kanyang impromptu number at lalo kaming na-impress when she sang Lady Gaga’s Born This Way.

What’s admirable is wala siyang background sa music. We think that singing-wise, Nikki is better than Maria Aragon and a tad pettier than the YouTube sensation.

Idol ni Nikki si Lea Salonga.

“Wholesome po kasi siya, low profile at hindi mayabang kahit na ang taas na ng naabot niya,” sabi ni Nikki.

Nakasama na ni Nikki si Sarah Geronimo sa Idol. She was also part of Mano Po 6 as young Heart Evangelista and Tarot as young Marian Rivera.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING