Derek Ramsay, ‘di sinipot ang hearing ng kasong isinampa ng asawa laban sa kanya

ADVERTISING

Derek Ramsay, ‘di sinipot ang hearing ng kasong isinampa ng asawa laban sa kanya

Derek-RamsayNAGSIMULA NA palang mag-hearing sa prosecution ang kasong isinampa nitong Mary Christine Jolly na nagpakilalang asawa ni Derek Ramsay.

May inilabas siyang marriage certificate at mga litrato ng kasal nila nu’ng 2002 pa yata ‘yun.

Nagdedemanda na siya ngayon dahil sa walang suporta raw siyang natatanggap mula sa aktor para sa anak nilang 11 years old na yata.

Kahapon ang hearing sa Makati Prosecutor’s Office pero hindi nakadalo si Derek.

ADVERTISING

Ang abogado ni Derek na si Atty. Joji Alonso ang dumating at nandu’n daw itong babaeng nagdemanda.

Humarap sila sa fiscal at tinanong daw roon ang babae kung totoong nagdi-demand ito ng 48 million pesos kay Derek.

Itinatanggi raw nitong babae. Kinontra agad daw ito ni Atty. Alonso dahil talagang humihingi raw ito ng malaking halaga mula sa aktor.

Pero sabi ni Atty. Alonso, magbibigay sila ng statement kaugnay rito sa susunod nilang heaering sa August 20.

Iyon daw ang susunod nilang paghaharap sa prosecution na malamang kasali na du’n si Derek.

Ayaw na ring magsalita ng aktor tungkol dito. Alam naman daw ng lahat kung anong klase siyang tao, kaya mas mabuting manahimik na lang daw siya.

Nagpapasalamat siya sa suportang ibinigay ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Lalabas din naman daw ang buong katotohanan.

Basta ako kahit ano pang paninira ng babaeng ito kay Derek, gusto ko talaga siya dahil napaka-gentleman niya at napakabait pa niya.

Siguro hintayin muna natin kung ano ang sasabihin ni Derek tungkol diyan. Alam ko grabe rin ang ginagawa nitong babae, pero ayaw na lang magsalita ng aktor. Pero magbibigay rin daw siya ng statement kapag naaayos na nila lahat ang mga ebidensya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING