Derek Ramsay, ‘di pinalampas ang pagkakataon na makasama ang anak sa Dubai

Derek Ramsay, ‘di pinalampas ang pagkakataon na makasama ang anak sa Dubai

Derek-RamsayHINDI NA pinalampas ni Derek Ramsay na hindi sila magkita ng anak nang mag-show siya sa Dubai.

Pagkatapos ng kanyang show ay nagbakasyon na rin ito sa nasabing bansa para magkaroon ng pagkakataon na makita ang anak. Masayang-masaya si Derek dahil after ten months ay muli silang nagkita ng anak na si Austin Gabriel.

‘Di ba kapag tinatanong si Derek about his son ay lagi nitong sinasabi na miss na miss na niya ang anak na nasa Dubai kasama ang inang si Mary Christine Jolly at doon na rin nag-aaral?

Wala raw silang communication ng anak dahil hindi niya ito makausap kahit sa cellphone. Nagkaroon kasi sila ng agreement ni Mary Christine in 2004 na sa ina ang custody ng bata.

Post nga ni Derek sa kanyang Instagram account ng: “Words can’t define how happy I am right now. God is good. Finally got to see my son again. Love you. Amen.”

 

NANGAMBA ANG kasamahan namin sa panulat dahil baka raw matulad din sa ibang pelikula na hindi masyadong kumita sa takilya ang pagsasama sa pelikula nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Katuwiran ng kausap namin na ‘yun nga raw serye sa TV nina Carla at Tom ay hindi masyadong pinag-uusapan, meaning hindi gaanong pinapanood or sinusubaybayan, ‘yun pa raw sa pelikula na kailangang magbayad para makapanood.

Saka hindi na raw klik ngayon na pagsamahin ang dalawang celebrity na diumano ay may magandang pagtitinginan.

Well, sana ay nagkamali ng hinala ang aming kausap para masundan at makagawa pa ng susunod na pelikula ang dalawa. Pero lahat ng sabihin nito ay nagkakatotoo.

Pahabol pa ng kasamahan namin na kung ‘yung nga raw pelikulang nakasama at napiling entry sa MMFF ay minsan ay hindi rin kumikita sa takilya.

Isa pa raw sa nakakasira sa pelikulang Pinoy ay ang mga de-kalidad na seryeng ipinapalabas sa telebisyon. Mas hamak na maganda pa nga raw ang mga seryeng inilalabas sa TV kaysa sa pelikulang inilalabas sa mga sinehan.

Kaya huwag raw magtaka kung mabibilang sa daliri ang mga pelikulang talagang kumita sa takilya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo