Derek Ramsay, ‘di naniniwalang hiwalay na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Derek Ramsay, 'di naniniwalang hiwalay na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz

Derek Ramsay, 'di naniniwalang hiwalay na sina Angelica Panganiban at John Lloyd CruzHindi naniniwala ang hunk actor na si Derek Ramsay na hiwalay na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

ADVERTISING

Kumalat kasi ang chikang hiwalay na ang dalawa dahil nakita si John Lloyd Cruz na nagsusubo ng pagkain kay Bea Alonzo sa isang resort.

Lalo pang naniwala ang tao na hiwalay na si Angelica Panganiban  kay Lloydie nang i-follow niya sa social media si Derek na ex-boyfriend niya.

“I think I followed her before she followed me. She greeted me on my birthday which is really, really nice. Dahil doon ay nagkausap uli kami,” say ni  Derek  during the presscon of Regal Entertainment’s “Love Is Blind” na nagtatampok din kina Solenn Heussaff, Kean Cipriano, and Kiray Celis.

ADVERTISING

Friend pa rin ang turing ni Derek Ramsay kay Angelica Panganiban even after their break-up many years ago.

“She needed more time than me maybe or she needed to handle the break-up in her own way. Now everything is sort of ironed out.

“A few months before that ay nag-usap na kami ni Angel briefly, but ngayon lang kami nagkausap about each other’s life,” say ng hunk actor.

“I don’t believe na naghiwalay sila but kung totoo man na naghiwalay sila, tatawag uli siya (Angelica) sa ibang lalaki? Hindi siya ganoong babae. Angel is a very strong woman.

“Hindi siya ‘yung  tipong kapag nasasaktan siya na kailangan niya ng tao. Kayang-kaya niya, eh.  Matapang siya, eh. She knows how to handle the hurt that she’s feeling. So no matter what rumors are going around which I don’t believe because from what I know is that she’s very, very happy. It’s not nice to hear things like this na ako ang tinatawagan kasi naghiwalay sila kasi may respeto ako kay Angel, eh. Hindi siya ganoon klaseng babae,” he explained.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING