Derek Ramsay, ‘di maitago ang problema

ADVERTISING

Derek Ramsay, ‘di maitago ang problema

Derek-RamsayNANG MAKAUSAP namin si Derek Ramsay, halata mong problematic ang actor kahit ang daming fans na nagpapa-picture sa kanya sa loob ng studio ng Talentadong Pinoy hosted by Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Hindi kaila sa ating idinemanda siya ng kanyang ex-wife. Ayon sa balita, ang anak nitong twelve years old na lalaki ay may tampo raw sa actor. Maging si Angelica Panganiban, nasama rin sa demanda. Pero para sa actress, hindi nito siniseryo, parang wala lang. Ipinaubaya na lang niya ang kaso sa kanyang abogado.

ADVERTISING

Tapos na raw kay Angelica ang kabanatang ‘yun sa kanila ni Derek. Tinanggap ng actress ang sorry ng hunk actor dahil nadamay siya sa demanda ng ex-wife nito. Ang importante raw ay ‘yung present. Very much happy siya ngayon sa piling ni John Lloyd Cruz. Ayaw na nitong magbigay ng comment about the issue regarding Derek Ramsey. Mas maigi raw na manahimik na lang siya para walang intriga.

Ang balita namin, malaking halaga raw ang hinihingi ng ex-wife ni Derek para iurong ang demanda laban sa kanya. Pero may tsika, nagkaayos na raw ang dating mag-asawa. Ang concern ngayon ng actor, ang kanyang anak. Gusto nitong makabawi sa mga pagkukulang niya rito. Hindi na mahalaga kay Derek ang image na pino-project niya sa kanyang mga fans. Ang importante raw ay magkaroon sila ng time na mag-ama para makapag-bonding at makilala nila ang isa’t isa. Siyempre, mangyayari lang ‘yun with the permission ng ex-wife ni Derek kung magiging maayos ang pag-uusap ng magkabilang panig with their lawyers.

 

ADVERTISING

ISA SA pinakapaboritong sitcom ng Pinoy na Palibhasa Lalake ay muling magbabalik para maghatid ng good vibes ngayon Oktubre 20 sa Jeepney TV, ang ultimate throwback channel.

Mapapanood muli ang Palibhasa Lalake mula Lunes hanggang Biyernes. Patatawanin kayo ng buong cast na binubuo nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Gloria Romero, Amy Perez, Mark Anthony Fernandez, Eric Fructoso, Jomari Ylana, Jao Mapa, Claudine Barretto, Rica Peralejo, G. Toengi, Regine Tolentino, lindsay Custodio, at marami pang iba.

All out ang Jeepney TV sa pagbabalik ng PL, crazy ngayon ang buwan kaya maliban sa airing ng programa sa weekdays ng 8pm na may reply ng 11pm at 5:45am, ang limang episode ng bawat linggo ay magkakaroon ng ‘marathon run’ tuwing Sabado ng 4pm simula Oktubre 25.

Ang award-winning na programa ng Jeepney TV na Biyaheng Retro ay naghahanda ng special feature tungkol sa mga cast ng sitcom pati na rin ang mga hindi malilimutang eksena na mapapanood sa isang special documentary sa Oktubre 19, 9pm. Ang mga bida ng Palibhasa Lalake rin ang icons of the month ng channel kaya naman ipalalabas din ang kanilang best dramatic appereances sa Jeepney TV Star Showcase sa buong Oktubre, 8pm.

Para naman sa hardcore fans ng show, pumunta sa “Palibhasa Lalake Basaan Reunion” sa Oktubre 18 sa Eastwood Central Plaza. Magsisimula ito ng 6pm kung saan ang Jeepney TV ay magbibigay ng mga libreng beer sa mga dadalo nang maaga. Sina Amy Perez at ChinaPaps ng MOR 101.9 ang mga magho-host ng “Epic BasaanReunion”. At siyempre nandu’n ang mga cast na sina Goma, John, Aljo, Jomari at Eric F. na mangunguna sa event. Dadalo rin pala makigulo at magdagdag ng saya ang Banana Split mainstay na si Jeff Gaitan.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING