Derek Ramsay, Bagong Denial King?!

ADVERTISING

Derek Ramsay, Bagong Denial King?!

ADVERTISING

NOON PA MAN, iniintriga na at puno ng kontrobersiya ang relasyon ng magkasintahang Papa Derek Ramsay at Angelica Panganiban. Nandiyan diumano ang mga tsismaks na may ibang girlfriend daw ang hunk actor na taga-Dumaguete City. Bukod dito, ilang beses ring naibalita na hiwalay na sila ni Angelica at pilit na inili-link sa former SexBomb member na si Aifah Medina. At ‘eto pa, ang panliligaw daw ng model actor kay Erich Gonzales na lalong ikinataas ng kilay ni Mareng Angel. Pero, ang lahat ng ito ay pinabulaanan lang ni Papa Derek at walang inamin kung totoo nga o hindi ang mga nakarating na kuwento. Ayon sa morenong aktor, wala siyang planong alamin kung sino ang mga nagpapakalat ng ganitong mga balita para tuluyang sirain ang relasyon nila ni Angelica. Si Papa Derek na talaga ang bagong ‘denial king’.

 

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

ADVERTISING

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING