Derek Ramsay, babalik sa Dos?

Derek Ramsay, babalik sa Dos?

Derek-RamsayNAGSISIMULA NA ngayon ang mga pa-presscon ng mga entry ng sa Metro Manila Film Festival. Kaya dapat invited ako lagi sa presscon nila.

Ewan ko lang kung i-invite ako sa presscon ng Feng Shui ni Kris Aquino. Siyempre, hindi naman niya ako type pumunta diyan kaya okay lang.

Ang type kong puntahan na presson ang sa English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Gusto kong malaman mismo kay Derek kung totoong babalik na siya sa ABS-CBN 2.

Naku! Kung matutuloy ‘yan eh, ‘di okay. At least, tapos na ang galit ng Kapamilya Network kay Derek.

Kung papayagang makapag-promote ang pelikula niya sa ABS-CBN 2, ibig sabihin okay na at nagkaayos na sila ni Derek.

Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan na lang ang kontrata ni Derek sa TV5 kaya dapat na sagutin n’ya ‘yan.

Usap-usapan na kasi du’n sa mga taga-Dos na babalik na raw sa kanila si Derek.

Ang tsika naman, hindi raw sa ABS-CBN 2 mismo babalik si Derek kundi sa Star Cinema Films lang daw.

Eh, kung sa Star lang siya lilipat, ganu’n na rin ‘yun. Sa ABS-CBN 2 pa rin dahil kung may pelikula nga ‘yan sa Star, ibig sabihin, puwede na siyang mag-promote sa Channel 2.

Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis