Derek Ramsay, ayaw nang makatrabaho si Baron Geisler?!

ADVERTISING

Derek Ramsay, ayaw nang makatrabaho si Baron Geisler?!Derek Ramsay, ayaw nang makatrabaho si Baron Geisler?!AYAW NA raw makatrabaho ni Derek Ramsay si Baron Geisler.

Matapos ang gulong namagitan between Derek’s sidekick and Baron during the taping of the hunk actor’s show sa Kapatid ay kaagad daw na tinawagan ni Derek ang isang executive ng Singko at sinabing hindi na niya gustong makita sa set ang actor.

Napuno na raw talaga nang husto si Derek dahil paulit-ulit na lang daw ang eksenang may nakakaaway si Baron sa taping nila. Ang last nga ay ang kanyang sidekick na minura-mura raw niya.

Nasaksihan daw ni Derek ang pagmumura ni Baron sa kanyang sidekick kaya pinagsabihan niya ito. Nauwi sa sigawan ang away ng dalawa hanggang sa tumawag na nga raw si Derek sa TV 5 exec to say na hindi na niya gustong ma-sight ang actor sa kanyang fantaserye.

 

ADVERTISING

PANAY VIEWS ng mountains ang pinost na photos ni Sarah Lahbati dahil marami ang nag-speculate na buntis siya when she posted her photos na tila mataba siya.

“Puro magagandang view na lang ang pinapakita nila kasi kapag siya mismo kung ano ano sinasabi niu! naku,” say ng isang fan.

“She prefers to be silent in everything what happened.Why bug her with comments wanting her to show pics of herself. If that’s what she wants to show, then respect. If you know what that word means. Whatever she post, it simply means that’s all she wants to show. It’s her life not ours,” sabi naman ng isang obviously ay maka-Sarah.

One fan feels na hindi buntis si Sarah.

“I dnt think shes preggy after a loooong day of skiing,” sabi niya.

Well, kinda make sense, ‘di ba kasi meron bang preggy na mag-i-ski?

Three days nag-ski si Sarah kasama ang boyfriend niyang si Richard Gutierrez.

We’re on our second day of ski :) si chard gusto na pumunta sa pang expert, kahapon lang natuto haha! Have fun guys!:),” tweet ni Sarah.

Derek Ramsay, ayaw nang makatrabaho si Baron Geisler?!

ON PINS and needles ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla as they are launched to movie stardom in Must Be… Love.

The two were asked kung may pressure silang naramdaman now that they are the bida na sa sariling movie nila.

“To be honest kinabahan ako noong storycon kasi alam naman nating lahat na na ‘pag movie na hindi naman ‘yun free, kailangang magbayad kapag nanood sila… you have to pay,” sabi ni Kathryn.

“Nakaka-pressure lang kasi first movie namin ito. Sana magustuhan ng mga tao. Very confident naman ako sa story, sa mga kasama naming so I think kakayanin, kaka-yanin namin,” dagdag niya.

Daniel showed confidence naman when he said na he’s not at all bothered and pressured.

“Sa akin naman po hindi po ako kinakabahan. Wala po akong nararamdamang kaba. Sa totoo lang, talagang wala akong pakialam sa kung anong mangyayari kasi kahit anong kaba naman ang maramdaman mo hindi naman maapektuhan sa resulta kasi ako po ginawa ko ang lahat. Lahat po dito ginawa naming ang lahat ng makakaya namin. At saka may tiwala  naman po ako sa supporters namin,” say ni Daniel.

That’s confidence! That’s Daniel Padilla!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING