Derek Ramsay, ayaw makisakay sa relasyong Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Derek Ramsay, ayaw makisakay sa relasyong Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz

Derek Ramsay, ayaw makisakay sa relasyong Angelica Panganiban-John Lloyd Cruz“I’M NOT having a relationship cause they have a relationship. But I am happy with the way my life is turning out. Like what I said, napaka-blessed ko sa career ko. With my lovelife, ‘wag na nating ipagsabay ‘yun.”

Ito ang mainit na sagot ni Derek Ramsay last Saturday Nov. 3 sa Ang Latest: Updated ng TV5 tungkol sa pag-amin na nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban sa relasyon nila.

At sa dagdag pa naming interview kay Derek last Tuesday, Oct. 30, sa Craft Bar, Fort Strip, The Fort, pinanindigan pa rin niya ang kanyang mga unang sinabi noon na masaya siya para sa dalawa.

Kuwento niya, “Though, you know it’s out already in the open, that’s good for them. It’s good that they have a healthy relationship na they’re willing to share with everybody, and I’m very happy for them.”

ADVERTISING

Happy raw siya sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay pag-ibig at hindi ito for show lang. Matatandaang nagbigay na ito ng detalye tungkol kay Alexa Amos, ang babaeng sinasabing nagpapasaya ngayon sa kanya kahit na hindi niya tuwirang kinumpirma kung sila na nga.

Kaya naman, nais niyang linawing hindi siya pumasok sa isang relasyon dahil ang kanyang ex-grilfriend ay kasalukuyang may bagong pag-ibig. Aniya, “Yeah, I’m happy with my lovelife. Baka sabihin na nag-aano pa ako. May nakita yata ako sa TV nu’ng isang araw na sabi nila, ‘Si Derek nagkukunwari lang na may ka (love) interest, kasi meron sila.’ No, that’s not true.”

Dagdag pa niya, I’m very happy for John Lloyd, and for Angel. I hope that things really work out for them and it’s healthy to see that they’re out in the open already. Mahirap ‘yun kung hindi pa sila kumportable na ilabas sa mga tao.”

Wala naman daw siyang masabing against kay John Lloyd dahil ayon pa sa kanya, mabuting tao ang binata. Lahad niya, “I know John Lloyd, I’ve met John Lloyd and he’s been good to me. And I have nothing against the guy, he’s a great actor who again I admire, sinabi ko ‘yan since day one nu’ng nakatrabaho ko siya sa ‘One More Chance’. So, I don’t know why everyone say na or trying to make gulo sa relationship namin. Hindi kami ‘yung  close na kaibigan, pero kilala ko siya and maganda ‘yung ipinakita niya sa akin. So, I have nothing against the guy. He’s a good guy.”

 

NALOKA KAMI sa tsikang nakitaan daw ng kanyang private part itong si BB Gandanghari. Sa Ang Latest: Updated pa rin, isa-isang sinagot ni BB ang mga isyu tungkol dito. Una na nga rito, ang tsismis na nakitaan daw siya ng kanyang private part sa set ng Enchanted Garden.

Ikinagulat niya ang tsikang ito. Natatawa pa niyang pagtanggi niya, “Really now? That never happened. I’m always covered and secured. Hindi totoo ‘yan. That’s not true. Meron akong chastity belt, so paano ako makikitaan?”

Dahil daw dito ay may nakapagsabi diumano na hindi pa nga siya nag-a-undergo ng sex change.

Pero ayaw na niya itong palakihin dahil, “It’s a very private thing. Hindi ako nagpapakiyeme. It’s just that ayoko siyang pag-usapan kasi private ko na ‘yon, eh. So, what you see is what you get.”

Panghuli, ang muntikan na raw niyang pagka-stroke dahil sa sobrang pagod. Ipinakita ni BB ang pulang-pula niyang mata na diumano ay naputukan ng ugat.

Kuwento niya, “Naputukan ako dito ng… sabi ng doctor, sabi stress nga. Sabi, buti raw sa mata kasi after sa mata, sa ulo na. Stroke na. Sabi ko, doc naman. Natakot ako. Sabi ko, mas lalong tumaas ‘yung blood pressure ko after.”

Sa ngayon, ipinagpasalamat na lang ni BB ang mga magagandang nangyayari sa career niya. Abala kasi siya ngayon sa rehearsal ng ‘Sayaw ng mga SENIORita’ at sa pagkakaka-extend hanggang January 2013 ng Enchanted Garden ng TV5.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING