Derek Ramsay at Raymart Santiago, muntik nang magpang-abot sa away nina Angelica at Claudine?!

TRUE BA NA gusto sanang ipatanggal ni Gretchen Barretto ang taped interview ni Angelica Panganiban na lumabas sa Showbiz News Ngayon?

Nalaman na daw kasi ni Gretchen na itsinitsismis daw siya ni Angelica habang nasa party ito kasama sina Claudine Barretto, Raymart Santiago at Derek Ramsay.

Nagsimula raw ang away nina Claudine at Angelica nang sabay silang um-attend ng birthday party ng isang common friend nina Raymart  at Derek na si Martin Castro. Sa labis daw kasi na kalasingan ay kung anu-ano raw ang sinabi ni Angelica laban kay Gretchen.

Ikinuwento diumano ni Angelica na very accommodating si Gretchen kay Derek sa taping ng show nilang Magkaribal. At  panay raw ang regalo nito kay Derek. Ang suspetsa ng ilang nakaaalam, galing diumano kay Gretchen ang Hermes belt ni Derek.

Naimbiyerna si Claudine sa mga pinagsasabi ni Angelica sa party. Pilit niya itong pinakikiusapan na tumigil na sa kanyang pagbubulgar pero ayaw raw nitong paawat. Kahit na magkaaway sina Claudine at Gretchen ay kapatid pa rin ang turing ng dyowa ni Raymart kay La Greta at nasaktan siya sa mga pinagsasabi ng dyowa ni Derek.

Naimbiyerna rin daw si Raymart kay Angelica at muntik daw silang mag-away ni Derek dahil ipinagtanggol niya ang kanyang girlfriend.

True ba ito Angelica?

Anyway, kinulang na raw sa oras si Gretchen kaya hindi na raw nito nagawang ipatanggal ang interview ni Angelica  sa SNN kung saan ikinuwento nito na nagkita na sila ni La Greta.

PANAY ANG TANGGI ni Carla Abellana na gaganap siya bilang Andi sa remake ng Koreanovela na Coffee Prince.

“Wala, hindi siya “Coffee Prince”. Marami ngang nagsasabi sa akin na members ng press na “Coffee Prince” (pero) hindi, iba. Wala pang title. Pagkababang-pagkababa ko ng stage, (sinabi ko) “hindi “Coffee Prince”. Kinorek ko sila,” tsika ni Carla na isa sa bida sa Mamarazzi.

Totoo na makaka-partner niya si Dennis Trillo sa kanyang next TV show sa GMA-7.

“Yes, pero wala pa raw title. Ako nga at saka si Dennis pero hindi nga “Coffee Prince”. Ang sinabi lang sa akin, romantic comedy. Hindi sinabi sa akin kung Koreanovela or remake ng kung ano. Sinabi lang, romantic comedy na primetime with Dennis.”

Hataw ang career ni Carla sa GMA kaya naman sobrang grateful siya sa kanyang home studio.

“Siyempre, nagpapasalamat ako. Sa dami ba naman ng artista, ‘di ba diyan? Hindi lang sa GMA. Maraming nag-a-aspire na maging artista and nag-a-audition. Natutuwa ako na sa akin ibinibigay ‘yon, sa akin napupunta ‘yon. Ewan ko (kung) bakit. Pero I’d like to think na may napatunayan din naman ako for the fact na ako ‘yung kino-consider nila for the show,” sabi pa Carla.

AYAW NA HALOS mag-comment ni Zanjoe Marudo sa issue nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

“Kung anuman ang mga desisyon niya sa buhay, nasa tama naman siyang edad, kung ano ‘yung mga choice na ginagawa niya, sana lahat maging okay at sana maging masaya siya,” sabi ng binata.

Hindi aware si Zanjoe, na kasama sa cast ng Sa ‘Yo Lamang, kung buntis nga ang ex-girlfriend niya.

“Mahirap kasing mag-comment. Hindi naman ako sigurado kung totooo, ‘di ba? ‘Yun lang. Basta kung may mga bagay tayong ginagawa, kung may mga desisyon tayong pinipili, sana alam lang natin kung paano haharapin, kung ano ‘yung mga mangyayari na susunod.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articlePapalit sa trono ni Marian Rivera: Erich Gonzales, sobrang palengkera?!
Next articleBaby James, bugbog-sarado sa isyu ng mga magulang!

No posts to display