Derek Ramsay at Ellen Adarna, opisyal na ang relasyon?

MAGDYOWA NA ba for real ang hot celebrities na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna?

Ito ang tanong ng mga netizen pagkatapos ng weekend getaway ng dalawa kasama ang ilang kaibigan at ang anak nina Ellen at Lloydie na si Elias. Sa mga IG story posts ng dalawa ay kitang-kita kung gaano na sila ka-close sa isa’t isa lalo na sa selfie na pinost ni Ellen kung saan naka-akbay sa kanya si Derek.

Derek Ramsay at Ellen Adarna, opisyal na ang relasyon?
Derek Ramsay and Ellen Adarna

Matatandaan na last month lang nang bigyan ng malisya ng mga tao ang pagpa-party ni Ellen sa bahay ni Derek, kung saan kasama rin ang common celebrity friends nila na sina John Estrada at Ruffa Gutierrez. Dito nila nalaman na neighbors pala sila sa South ng Manila. In the coming weeks ay napadalas na ang presence ng dalawa sa kani-kanilang social media.

May mga posts din ang kanilang mga kaibigan kung saan tila nagpapahiwatig na may something na talaga sa pagitan nina Derek at Ellen.

Dalawa lang ‘yan: Either sinasakyan nila ang mga tsismis ng mga tao sa kanila by posting more updates para lalo sila mapag-usapan or natuloy na sa totohanan ang kanilang relasyon.

Kung anuman ang real score sa pagitan nina Derek at Ellen, wala naman masama dahil pareho silang single. Bago natapos ang 2020 ay natapos na rin ang relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres, habang si Ellen naman ay matagal nang happily single.

Well, ano nga ba? Love Thy Neighbor! Hek-hek-hek!