Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di rin magtatagal?!

ADVERTISING

Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di rin magtatagal?!

Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di rin magtatagal?!KUNG ANO ang hula noon na baka hindi magkatuluyan sina Cristine Reyes at Rayver Cruz, ganu’n na rin ang hula ngayon sa relasyon nina Cristine at Derek Ramsay. Magkasalungat kasi ang mga personalidad nina Cristine at Derek.

Tulad ni Rayver, si Derek kasi ay nanggaling sa angkan na hindi maiingay, dahil sobra nilang pinahahalagahan ang katahimikan ng kanilang pamilya at sobra silang nagsusuportahan sa isa’t isa.

Napakaamo na sobrang mabait ang dating ni Rayver kaya marami ang napailing noon nang maging sila ni Cristine. May marka na kasi sa showbiz ang sister ni Ara Mina bilang artistang butangera na laging nasasangkot sa away at gusot.

Sino naman kasi ang makalilimot sa naging gusot ni Cristine sa kanyang sariling pamilya, na pati ang Mommy niya maging ang kanyang Ate Ara ay nawindang talaga dahil sa kanyang katarayan?

ADVERTISING

Mas bata si Rayver, at napakalaki ng agwat ng edad ni Derek kumpara sa kanya. Kaya hindi naman siya magmumukhang kawawang totoy kung umatake ang katarayan ni Cristine habang magkarelasyon sila. Mahaba ang listahan ng mga taong nakakakilla sa hunk actor na makapagpapatunay na sobra siyang mabait na tao, kaya binibigyan nila si Derek ng panahon para patunayang si Cristine nga ang tamang babae para sa kanya para magtagal ang kanilang relasyon.

Derek Ramsay at Cristine Reyes, ‘di rin magtatagal?!

NAPAKALAKAS NG dating nina Maricel Soriano at Eugene Domingo bilang mga bida sa pelikulang Momzillas ng Star Cinema at Viva Films, kaya halos masapawan nila kahit sikat din ang mga gumanap nilang anak sa pelikula na sina Billy Crawford at Andi Eigenmann.

Sa grand presscon nga ng kanilang pelikula, bumabangka sina Marya at Uge sa pagkukuwento, dahil puro sa kanilang dalawa ibinabato ang mga tanong ng dumalong press, dahil nakaaaliw sila.

Kahit ilang taon nang nakagarahe sa pamamahinga ang career ni Maricel, hindi talaga kinalawang ang istilo ng kanyang atake sa pagpapatawa sa bago niyang pelikula. Hindi nambobola si Eugene, pero talaga kahit sino pang mga sikat na komedyana ngayon ang magsalita, may kakaibang tatak si Marya sa larangan ng pagpapatawa sa kanyang maingay na atake sa bawat papel na kanyang ginagampanan, kaya sobrang kuwela.

Nu’ng presscon sa aming kinauupuan, kitang-kita namin siyempre si Marya, kaya napatunayan namin ‘yung puna ng marami sa kanyang pagsasalita ngayon. Para nga talagang may depekto si Marya sa pagsasalita, na parang nahihirapan siya. Puwedeng may ipinaayos siya sa ngipin niya o sa labi, tulad ng uso ngayon. Puwede ring dahil sa pagkakaedad.

Pero ang hindi nagbago kay Marya ay ang bilis ng kanyang memorya at bilis bumuwelta ng kuwelang salita kapag tinatanong siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING