Derek Ramsay, asiwa kay Andi Eigenmann!

ADVERTISING

Derek Ramsay, asiwa kay Andi Eigenmann!

Derek Ramsay, asiwa kay Andi Eigenmann!

SI ANDI Eigenmann na ang kapalit ni KC Concepcion sa pelikulang dapat sana ay pagbibidahan nina Anne Curtis at Derek Ramsay.

Base sa balita, tinanggihan ni KC ang role na liberated woman sa nasabing pelikula ng Viva Films. Pero ayon kay Derek, “Okay si KC kausap, kaya lang medyo masyadong busy siya at ‘yung time sked parang hindi okay.”

Sa pagkukuwento ni De-rek, nalaman namin na asiwa siya kay Andi, dahil naabutan niya ito noong bata pa ito  at saksakan ng kulit. “Tapos ngayon, heto, magkakaroon kami ng maraming bed scenes,” sabi ni Derek na naiilang na hindi mo maintindihan.

ADVERTISING

Ayon kay Derek, hindi raw mga hubad na katawan nila ang ibebenta ng pelikula kundi ang kuwento nitong maganda. Pero ayon sa aktor, willing siyang magtalop nang todo kung kailangan sa movie.

Samantala, sinabi naman ni Andi na hindi rin problema sa kanya kung sakaling magpakita siya ng skin dahil hindi na naman siya bata at sa katunayan ay nanay na siya. Pero hindi raw ibig sabihin noon ay magwawala na siya at maghuhubad siya nang walang kapararakan.

Sa Resorts World parehong nakausap ng Pinoy Parazzi sina Derek at Andi na kapwa nagsabing handa sila sa kung anuman ang ipagawang eksena sa kanila, sukdulang magpakita sila ng kanilang private parts.

 

SA TAPING ng Third Eye, personal na nakausap ng Pinoy Parazzi si Nora Aunor. Ayon sa aktres, kung maaari raw, ayaw niya ngayong tinatawag na Superstar. Mas gusto raw niya ay simpleng Mama Guy o Nora Aunor. Ang katwiran ng aktres, mas masaya siya at magaan sa dibdib kung hindi siya ituturing na Superstar.

Sa kabilang banda, inamin ni Mama Guy na ngayon palang ay excited na siya sa Brussel International Film Festival. “Nominated kasi ang Thy Womb sa maraming category,” sabi ni Mama Guy, at ang ilan dito ay ang best director, best film, best actor at best actress.

Hindi naman daw umaasa si Mama Guy na maiuuwi niya ang best actress award. “‘Yung makasama lang ang movie namin sa film festival, panalo na iyon dahil hindi biro ang pinagdaanan ng Thy Womb bago mapansin.”

Tapos na ang tsikahan namin ni Mama Guy, naglalaro pa rin sa aming isipan hanggang ngayon ang sinabi nitong mas masaya siya kung isang simpleng Nora Aunor ang itatawag sa kanya. Bakit kaya? Likas lang kayang mapagkumbaba ang aktres o tanggap na nito na unti-unting nawawala na ang kanyang kinang na tulad sa pananaw ng ilan niyang detractors?

 

UMAMIN SI Lorna na two months from now, makikita na niya ang resulta sa pag-undergo niya sa stem cell. Ayon kay LT, totoong sumailalim siya sa nasabing paraan ng pagpapaganda at pagpapabata ng balat at wala siyang nakikitang masama sa kanyang ginawa.

Ayon kay LT na nakausap namin last week lang, itinurok sa kanya ang stem cell kaya hindi pa niya nakikita ang pagbabago sa kanya. “Hindi naman siya nakakatakot, isang simpleng injection lang naman siya,” sabi ng aktres sa Pinoy Parazzi.

Samantala, malaki ang paniniwala ni Lorna na malalampasan ng pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla ang pinagdaraanan nitong pagsubok. “Lahat naman siguro kapag pamilya natin, ‘yung suporta or concern ay laging nand’yan like nitong huli, ‘yung isa sa mga kapatid nila pass away ‘coz of cancer also, si Tito Alba.

Close sina Lorna at Zsa Zsa. Naikuwento ba sa kanya ni Zsa Zsa ang tungkol sa sakit nitong cancer?

“Nagti-text-an lang kami, eh, kasi about the stem cell. Nu’ng pagkatapos kong mag-undergo, sabi ko, parang gawin din niya. Kaya lang, ang sabi niya sa akin, may isa pa siyang problem na dapat unahin at ‘yun nga, ‘yung sakit niya. Iyon nagti- text siya, akala ko nu’ng una iba-biopsy siya. Pero parang hindi yata natuloy, kasi nu’ng ipakita niya ‘yung result ng mga test na ginawa sa kanya, ‘yun nga sinabi agad ng doctor na kailangan niyang magpa-opera agad, dahil sa nakita nga sa kidney niya. Fighter siya, kaya alam kong kayang-kaya niya kung anuman ang kanyang problema.”

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING