Derek Ramsay at Angelica Panganiban, nagtagpo sa gala night sa Cinemalaya?

ADVERTISING

Derek Ramsay at Angelica Panganiban, nagtagpo sa gala night sa Cinemalaya?

Angelica-Pangaliban- Derek-RamsayHINDI KO alam kung nagtagpo eye to eye ang mag-ex na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban. Sa Gala Night ng The Janitor (bida si Dennis Trillo), dumalo ang magsingirog na John Llyod at si Angelica.

Marami nga sa mga press na nandoon ang nagulat at nakita nila si Angelica gayong hindi naman sila kasama sa film project. Lalong nag-iwan ng intriga ang presence ng dalawa nang maalala ng ilan na nandoon sina Angelica at Derek na mag-ex at may unfinished relationship.

Nang pagkaguluhan ng press si Derek (na ngayon ay on the hot seat dahil sa paglitaw muli ng babaeng nagke-claim na asawa niya na pinakasalaan noon ni Derek), deadma lang ang hunk aktor. No comment sa isyu about Mary Cristine Jolly at siyempre sa presence ni Angelica that evening.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING