Derek Ramsay & Angelica Panganiban “Dukot Pic”

ADVERTISING

Isa sa pinag-usapang controversial photo ng taon ang ‘Dukot Pic’ ng very sweet couple na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa Bora, kung saan nakapasok ang kamay ni Angelica sa loob ng shorts ni Derek, pero inamin ni Derek na three years ago iyon nangyari sa Boracay kasama ang kanilang mga kaibigan na nagkakatuwaan.

Hanga naman ang mga fans nila lalo na’t ipinagtanggol ni Derek si Angelica at kusang nagsalita tungkol sa issue. Hindi nagalit ang aktor at tinawanan na lang ang issue. Katuwiran ni Derek, nag-e-enjoy lang sila at natural lang sa magkasintahan ang gano’n. Mas nagalit pa si Derek sa kung sinuman ang naglabas ng litratong iyon, kung kaya’t napasakamay ng Pinoy Parazzi. Pinili naman ni Angelica na tumahimik sa issue at mag-concentrate sa kanyang career.

ADVERTISING

Speaking of tawa, natawa rin kaya si Derek sa mga ‘expert’ daw sa photo editing na nagsabi na edited ang larawan? At may explanation pa, ‘di ba? Basta, natawa rin daw ang mga ‘hindi expert’ na alam na

hindi edited ang litrato.

By Jet Bentulan

ADVERTISING
ADVERTISING