Derek Ramsay and Angelica Panganiban, involved in Kim Chiu-Erich Gonzales’ rift?!

ADVERTISING

Derek Ramsay and Angelica Panganiban, involved in Kim Chiu-Erich Gonzales’ rift?!

Derek Ramsay and Angelica Panganiban, involved in Kim Chiu-Erich Gonzales’ rift?!NABALITAAN NAMIN LATE last year na gusto diumanong makilala ng mommy ni Derek Ramsay at ng kanyang mga kaibigan si Erich Gonzales na kasama n’ya noon sa teleseryeng Magkaribal with Gretchen Barretto and Bea Alonzo, kaya inimbitahan umano ng una ang huli para makilala ang mga ito. Siguro nga ay natutuwa sila sa batang aktres kapag napapanood nila ito noon.

ADVERTISING

January this year, after the presscon proper of one of her endorsements, kinumpirma ni Erich sa amin na minsan nga raw ay nagkasama sila ni Derek from their taping (of Magkaribal, perhaps) para ma-meet nga umano ng dalaga ang mga kaibigan at mommy ng hunk actor.

Ngayon, napapabalitang ang kaibigan ni Erich na si Kim Chiu ay nadadawit umano sa isyung ito, dahilan kung bakit ang dating tsismis na may namamagitang issue raw sa dalawa for some reason, ngayon ay nagkatotoo na raw.

May mga tsika kasing naglabasan na ang Binondo Girl star na si Kim diumano ang nag-ispluk o nagparating kay Angelica Panganiban ng paglabas ng boyfriend ng huli at ni Erich, with Derek’s mom and friends, bagay na itinatanggi naman daw ng una.

ADVERTISING

At the birthday party of ABS-CBN channel head, Tita Cory Vidanes, last Sunday night, marami raw ang nag-iisip na baka dahil umano sa tsikang ‘yon kaya magkasabay raw na dumating si Angelica at Kim with her close friend these days, Maja Salvador.

Balita namin, napagsabihan na diumano sina Kim at Erich ng humahawak ng kanilang mga career na huwag nang magsalita pa about the issue.

Pero gusto raw iparating ni Erich kay Kim, mula sa mga taong malalapit sa kanila, na gusto n’yang magkausap at magkaliwanagan silang dalawa.

Ang ipinagtataka nga lang daw ni Kim, alam naman daw ni Erich ang kanyang cellphone number since magkabarkada sila, kaya anytime, puwede s’yang i-text o tawagan nito para magkausap sila, pero sa halip, sa ibang tao pa diumano dinadaan ng huli.

Naku, sana nga ay magkausap na ang dalawang magkaibigan, pati na rin sina Erich at Angelica, bago pa lumaki lalo ang isyung ito at nang maklaro na ang lahat. Wala namang hindi naaayos sa maganda at mahinahong pag-uusap. Besides, wala naman sigurong malisya ang pagkakaimbita ni Derek noon kay Erich para makilala ang huli ng mommy at mga kabarkada ng una, kahit hindi kasama ang girlfriend nito. Tsaka, gaya nga ng sabi namin noon, baka alam naman talaga ni Angelica ang sinasabing paglabas na ‘yon ng kanyang boyfriend at ng batang aktres, pero marahil ay hindi lang s’ya nakasama, dahil maaaring busy s’ya ng mga panahon na ‘yon.

 

NAKAKATUWA TALAGANG MAKATSIKAHAN lagi ang magka-loveteam na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza ng Reel Love Presents: Tween Hearts at Nita Negrita. Nakakabata ang pakiramdam kapag nakakausap namin sila.

At her young age, aba, marunong nang pumili ng paboritong Hollywood actress si Barbie. Bet n’ya raw ang Oscar winner na si Meryl Streep. Si Cherie Gil naman daw ang idol n’ya sa local showbiz. Sana nga ay paghusayin pa ng young actress ang pag-arte, gaya ng mga iniidolo n’ya.

Bukod sa romance, comedy at drama na genre, mukhang gusto rin yatang subukan ni Joshua ang action in his future projects in GMA-7, dahil favorite actors n’ya pala sina Jackie Chan at Robin Padilla.

Kahit very successful ang showbiz career ng dalawang bagets, pangarap nila pareho na magkaroon ng mga sariling negosyo, lalo na raw kung dumating ang panahon na hindi na sila aktibo sa showbiz.

Para kay Barbie, itinuturing n’ya raw na best friend ang kanyang ka-loveteam. For Joshua, Barbie is “a very determined actress and very mature for her age.”

Lalo pang magiging busy ang dalawang BNY Jeans endorsers kapag nagsimula na silang mag-shooting ng kanilang pelikulang Tween Hearts the movie very soon.

 

WATCH THE 2011 King and Queen of Elements coronation night on May 31 (Tuesday) at 9 pm at Metro Comedy Concert Bar, produced by La Dida Entertainment, Inc. The pageant will be hosted by Bangs Garcia and Judah Paolo, with guest, DJ Boni Bonivie. For tickets, please call 477-6220 and 0922-8263491.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING