Derek at Angelica, pinag-iipunan na ang pagpapakasal?!

ADVERTISING

Derek at Angelica, pinag-iipunan na  ang pagpapakasal?!Derek at Angelica, pinag-iipunan na  ang pagpapakasal?!TINGNAN MO NGA naman sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Hindi usapin ang pera kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga bonggang regalo nila para sa isa’t isa. Kung gaano nila kamahal ang isa’t isa, ganoon din kasi kamahal ang mga gifts nila for each other. But this is not to say that Derek and Angel don’t appreciate the gifts of laughter and just being together.

Last year, Derek gave her a brand new Mini Cooper during their third anniversary. When you see Angel driving, she is definitely hot behind the wheels of her hot Mini Cooper.

Ayon sa isang artikulo ni Manila Santos na inilathala sa PUSH.com.ph at pinost sa ABS-CBN.com, Derek surprised Angel with a set of diamond earrings for their fourth anniversary. Para hindi makahalata si Angel, Derek tried to make her feel na wala siyang regalo sa girlfriend. Sinabi ni Derek na ang gusto lang kasi ni Angel to celebrate their anniversary ay magkaroon sila ng isang intimate dinner sa Antonio’s restaurant sa Tagaytay.

Kuwento ni Derek, “I set a dinner date at Antonio’s with my family. I had dinner with her and tried to piss her off by inviting my parents. I know she didn’t want to show it, but I knew she wanted to be alone with me because it was our special day, but I planned it all out so she wouldn’t expect a gift from me.”

Hindi raw makapagsalita si Angel nang ibigay niya ang kanyang regalo. “I gave her a set of diamond earrings na tig-two and a half carats each,” he said.

ADVERTISING

Sa kanyang Twitter account, inamin ni Angel na isang mamahaling diamond earrings nga ang gift sa kanya ni Derek. She commented, “Ganon po kami mag-regalo sa isa’t isa… Hindi namin kasalanan na ganon namin kamahal ang isa’t isa at hindi namin iniisip ang presyo ng bawat regalo namin taun-taon.”

Patuloy man na binabagyo ng mga intriga ang pagsasama nina Angel at Derek, pero sa kabila ng lahat ay nananatili pa rin silang matatag. “Nagpapakahirap at nagpupuyat ho kami para makaipon ng pera para sa future namin. Huwag na kayong magalit kung mahal niya ko,” sabi ni Angel.

May balak na kaya silang magpakasal dahil sa pahiwatig ni Angel that they are both working hard to save up for their future? Abangan na lang natin.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING