Dennis Trillo, umaangal na sa trabaho

ADVERTISING

Dennis Trillo, umaangal na sa trabaho

Dennis-Trillo“WORK SUCKS, I miss my life.” ‘Yan ang one-liner ni Dennis Trillo sa kanyang Twitter account na ikinaloka ng maraming tao sa social media.

Bakit nga naman umaangal pa si Dennis gayong ang daming artista ang walang trabaho? Why does he have to complain when there was nary a time na hindi siya kumikita? Ayaw ba niya ng work?

Sa kanyang tweet na ‘yon ay sari-sari ang naging comment ng mga tao. Merong nainis sa kanya at meron din naming naimbiyerna sa kanyang manager na si Popoy Something.

“This just proves na hindi maganda mgt ni popoy. Good thing wala na si marian sa kanya,” one guy said.

ADVERTISING

“hindi nya naiisip yung ibang artista na walang trabaho, nakabitin lang sa ere. oh well, ano nga ba yung show nya? baka nakakapagod yun??” say naman ng isa pang fan.

Napansin naman ng isang fan na “Kumacarla din? Bakit ung mga artista ng mhl yumabang ata?”

He must be referring to Carla Abellana na lately ay panay lait ang inabot sa social media dahil sa kanyang kayabangan.

May isang nakaunawa and said he knows where Dennis is coming from.

“grabe naman din kasi ang kapuso magutilize ng talents nila.. parang di manlang binibigyan ng break. kakatapos lang magserye, serye nanaman. tapos ung mga new talents nila, nakatunganga lang. i understand where this angst is coming from, siguro kelangan lang nya talaga ng break,” say niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING