Dennis Trillo, takot pa rin sa seryosong commitment?

Dennis Trillo, takot pa rin sa seryosong commitment?

Dennis Trillo
Dennis Trillo

Magtataka ka na sa kaguwapuhan ni Dennis Trillo, tila wala pa sa isip ng aktor ang malagay sa tamihik.

Siguro, takot sa seryosohang commitment lalo pa’t magsasama sila ng babaeng mahal niya at magkakaanak sila.

‘Yong anak naman ng aktor sa dating girlfriend na si Carlene Aquilar na steady na sa buhay na natagpuan sa isang non-showbiz guy, ang dating beauty queen ang nagpapalaki.

Pero si Dennis Trillo, responsible father din naman. Kahit wala sa poder niya ang anak, naroroon pa rin ang responsibilidad niya at hindi niya ito iniiwanan o pinababayaan.

Sa launch ng bagong romcom ni Dennis sa GMA Kapuso Network na “Juan Happy Love Story”, kung saan sila ni Heart Evangelista ay muling magkakasama, oks at chill lang ang aktor. The last team-up yata nila ay sa pantasyeryeng “Dwarfina”.

“Hindi kasi masyadong heavy ang mga scenes namin. Medyo may pagka-light comedy na love story. Napanood mo ‘yong trailer, mapangingiti ka sa karakter ko,” sabi ni Dennis sa amin.

He plays Juan. Ang chickboy-playboy na wala pa ring asawa pero habulin naman ng babae. Parang siyang-siya in real life na maraming may gusto, pero parang wala. Parang walang kaseryosohan at kung meron man, ‘di alam kung saan patutungo ang relasyon na kinasasadlakan sa kasalukuyan.

Parang sila ni Jennylyn Mercado. Walang labeling, na sabi ni Dennis, “Okey kaming dalawa. We’re happy. I think this kind of set up is much better.”

Marami na rin kasing naiinip. Kailan kaya magde-decide si Dennis na mag-asawa gayong malinaw na nagkabalikan sila ng ex-girlfriend na si Jen, na kahit ayaw man nilang aminin at lagyan ng label na “sila na” muli at nagkabalikan silang dalawa.

“Matagal pa siguro. Not this year. Not in the next two years,” sabi ni Dennis sa amin.

Kung kalian talaga seryoso na mag-decide si Dennis na mag-asawa na talaga, malamang si Jennylyn na marahil ang masuwerteng babae.

Sa muling pagiging close nila sa isa’t isa matapos nilang naayos ang dating magulong relasyon nila, wala na akong narinig o nabalitaan na nag-away sila o may problema sa relasyon nila.

“We’ve matured,” sabi ni Dennis na ang pinatutungkol ay ang sa kanila ni Jen.

Yes, si Dennis ang kuwento ng buhay pag-ibig ngayon ng aktor, parang si Juan na Happy (ang) Love Story.

Reyted K
By RK VillaCorta