Dennis Trillo, TADTAD NG SUGAT SA KATAWAN!

ADVERTISING

Nauna nang inilabas ng Pinoy Parazzi ang balitang nasangkot sa isang aksidente sa dagat ang aktor na si Dennis Trillo. Naganap ang insidente sa Boracay habang nagbabakasyon si Dennis, kasama si Maxine Eigenmann at ang handler ni Gian Magdangal na si JB Bordajo. Nasawi nga sa insidente si JB, na sinubukan pang iligtas nina Dennis at Maxine mula sa pagkalunod.

Nitong Setyembre 10, naispatan ng ating kamerang-gala sa arrival area ng Manila Domestic Airport sina Dennis at Maxine. Lumung-lumo pa rin sa pangyayari ang dalawa. Sariwa pa rin ang mga sugat na natamo ni Dennis sa kanyang katawan, sa mga braso at binti bunga ng tangkang pagsagip sa kaibigan sa mabatong bahagi ng beach sa Boracay.

ADVERTISING
ADVERTISING