Dennis Trillo, sunud-sunod na naman ang proyekto

ADVERTISING

Dennis Trillo, sunud-sunod na naman ang proyekto

Dennis-TrilloSA MGA fans ni Dennis Trillo na inip na inip na sa paghihintay kung kailan siya babalik sa telebisyon after ng My Husband’s Lover, huwag nang mainip lalo pa’t malapit nang ipalabas sa GMA News TV ang kanyang serye na Sa Puso ni Dok na balita namin ay magsisimula na ang airing come August 24.

Sa katunayan, sa Kapuso Network may bagong serye ang aktor with a new TV partner na si Kris Bernal na pinamagatang Hiram na Alaala, kung saan nagkaroon na nga ng promo shoot (teaser for TV) ang aktor together with Lauren Young and Rocco Nacino kamakailan.

Hindi man naiuwi ni Dennis ang Best Actor trophy sa nakaraang Cinemalaya X sa kanyang performance sa pelikulang The Janitor, nag-uwi naman ng magandang reviews sa kanyang acting ang aktor.

Sa mga tagahanga niya, don’t get too excited at mainipin dahil siksik sa projects ang aktor at kaibiglang na rin dito ang isang pelikula with Maja Salador under Regal Films na ididirek ni Dondon Santos.

ADVERTISING

No love muna para sa aktor. Ini-enjoy muna niya ang buddy-buddy moments nila ng anak na during weekends (kung may time siya) gumigimik ang mag-ama and sometimes ay pumupunta sila sa Baler, Aurora habang siya ay nagsu-surfing.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING