Dennis Trillo, seryoso sa kanyang military training

ADVERTISING

Dennis Trillo, seryoso sa kanyang military training

Dennis-TrilloACTOR/SINGER Dennis Trillo is back on the primetime series via Hiram Na Alaala ng GMA-7 with Rocco Nacino, Kris Bernal and Lauren Young. Dream come true para sa binata, portraying the role of a soldier. First time niya ang ganitong klaseng role, a military man. Kung hindi naging artista si Dennis, malamang daw pumasok siya sa military academy. Bata pa lamang ito, pinangarap na niyang maging sundalo.

Seryosong pinaghandaan ni Dennis ang character na kanyang ipo-portray same with co-star Rocco. They will engage in different workshops, including training at the Philippine Military Academy.

Sabi nga ni Dennis, “Hindi ito pangkaraniwang kuwento. First time na magkakaroon ng ganitong klaseng istorya sa primetime, kaya I’m sure magugustuhan ninyo ang aming TV series.”

Kahit nahirapan si Dennis sa training na pinaghandaan niya, worth it naman daw dahil mas mabibigyan nito ng justice ang role na kanyang ginagampanan. Nakatulong rin ito para lalong ma-develop ang physical skill ng actor.

ADVERTISING

Kung military man ang role ni Dennis sa HNA, he plays modern-day assassin who is tasked to execute the masterminds of gruesome crime in the indie film The Janitor directed by Michael Tuviera. He felt nervous meeting actual vigilantes who take the law into their own hands.

Ikinuwento pa nga ni Dennis na interview nila ni Direk Mike ang real-life vigilantes. Nakipagkita sila, sa isang kuwarto na may kadiliman para hindi hantad sa kanila ang mukha ng vigilantes habang kinakausap nila. Sila lang dalawa, walang camera na nakatutok sa kanilang tatlo habang ini-interview nila ang vigilantes. ‘Yun naman kasi ang usapan na dapat tuparin or else, magwo-walk out ang mga ito.

Sabi nga ni Dennis, iba raw ang pakiramdam kapag kaharap mo at nakakausap mo ang katulad nilang vigilantes. Nakae-excite na nakati-thrill. Gusto mong makilala sila nang lubusan at alamin ang istorya ng kanilang buhay. Kung papaano sila napasok sa ganu’ng klaseng trabaho. Maraming katanungan naglalaro sa isip ni Dennis na gustong kumawala.

Sa pangyayaring ‘yun, malaking transformation sa character ni Dennis na maipapakita sa pelikula ang husay niya bilang actor. Tuluyan na nga kayang mabura sa isipan ng publiko ang makatotohanan niyang pagganap bilang beki sa My Husband’s Lover with Tom Rodriguez as his lover?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING